top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | January 14, 2024 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 14, 2024

Sa may kaarawan ngayong Enero 14, 2024 (Linggo): Negosyo ang magpapayaman sa iyo kaya magnegosyo ka. Pero kahit mamasukan ka, hindi mawawala sa iyo ang pagtitinda.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibilis ang takbo ng iyong isipan, gayundin ang iyong pag-unlad. Kaya ang pag-aalinlangan ang iyong kaaway. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay- violet. Tips sa lotto-3-12-18-27-33-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka madadalian, doon ka. Huwag kang makinig sa iba na kailangang paghirapan ang bagay bago mo makuha. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto- 6-15-21-25-31-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ay araw mo at ang mga susunod na araw ay iyo pa rin. Masyado mo nang maiiwanan ang iyong mga karibal kapag ito ang layunin mo s a buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-14-22-28-34-37.


CANCER (June 21-July 22) - Sumisingit sa isipan mo ang pag-aalala sa kinabukasan ng iyong mga mahal sa buhay. Kaya naman lalo mong pagbutihin ang pagsasaayos sa kanilang magiging kalagayan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-17-22-31-33-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magdududa sa iyong sarili. Ang pagdudahan mo ay ang iyong mga kakumpitensiya dahil sa kasalukuyang mahirap na sitwasyon sa langaran ng negosyo, sila ay sobrang nalilito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-19-29-34-43-45


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumikilos ang langit para mabigyan ka ng kaluwagan. Nakita Niya na kung sarili mo lang ang iyong aasahan, mabagal ang takbo ng iyong buhay dahil tinatalo ka ng negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-19-26-37-40-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahina ka ngayon sa dahilang mabilis kang hahanga sa taong nagpapakitang-gilas. Pero malakas ka rin naman dahil ikaw ang numero-unong makikinabang mula sa kanya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-15-24-33-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magparaya ka upang hindi ka maagrabiyado. Dahil sa pagpaparaya mo, hahangaan ka ng marami at lahat ay magsisipanig sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-20-26-32-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang kung anu-ano’ng bagay na hadlang sa mabilis mong pagkilos. Higit kailanman, kailangang unahin mo ang pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-9-12-27-33-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang isang kilos pasulong para sa iyo ay sapat na para lumakas pa lalo ang loob mo. Kaya kumilos ka nang kumilos at ang tapang mo ay magdadala sa iyo ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-25-34-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aakalain ng iyong mga karibal na mahina ka dahil nakikita nila na parang walang direksiyon ang mga kilos mo, pero ang totoo, sila ang mahina dahil malabo silang suwertehin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-22-29-31-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Paghandaan mo ang mga araw kung kailan magkakasabay-sabay ang magagandang oportunidad para sa iyo. Hindi naman bago sa buhay mo ang sabayang paghahanapbuhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-7-16-26-28-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page