top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | January 13, 2024 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 13, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 13, 2024

Sa may kaarawan ngayong Enero 13, 2024 (Sabado): Itutok mo ang iyong lakas at talino para sa iyong sarili. Huwag kang magpapagamit kahit kanino. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang. 

 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tahimik mong isulong ang mga gusto mong mangyari. Sa ganitong paraan, mas mapabibilis at gagaan ang lahat ng bagay para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-27-29-34-35.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gawin mo ang mga nauna mong plano at huwag kang matukso na palitan ang mga ito. Ang anumang pagbabago ay hindi makabubuti. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-15-17-21-25-36-45. 

   

GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang nakikita mo, ‘yun ang paniwalaan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-14-25-29-34-37.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong gaanong pahalagahan ang mga negatibong nadarama mo. Mas pahalagahan mo ang matinding hangarin mo na mapabilis ang pag-angat ng buhay ng iyong pamilya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-25-26-33-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang maghintay ng kapalit sa mga kabutihang-loob mo. Langit mismo ang magbibigay sa iyo ng mga biyaya at pagpapala na para sa mga tulad mong matulungin sa kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-19-21-23-30-38.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lahat ay nagkakamali at ikaw ay ganundin kaya habaan mo ang iyong pang-unawa. Ang mga pagkakamali ay puwede namang maituwid. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-27-30-31-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – ‘Wag kang magsisi kung sumama ang loob mo dahil kahit sino naman ay may karapatang magalit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-16-20-21-25. 

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa panig mo ang langit. Ang mga kontrabida sa buhay mo ay mapapahiya at hindi makakapaniwala na magagawa mo ang mga imposibleng bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-29-30-33-36-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Suwerte ka ngayon at sa ilang araw pang darating. Ibahagi mo sa kapwa mo ang ilang mga biyaya, lalo na sa mga kapus-palad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-24-26-37-46.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipakita mo na seryoso ka at ipakikita sa iyo ng langit ang magagandang kapalaran para sa mga taong seryoso sa kanilang mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-23-28-30-33.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Binabawasan ang anumang sobra. Suriin mo ang buhay mo at ang mga sobra sa iyo ay unti-unti mong tanggalin. Huwag mong kalilimutan na ang sobra ay hindi maganda. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-28-32-39-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga negatibo, paladaing at iyakin. Gawin mo ito nang mabilis nang sa gayun ay hindi ka mahawa sa kanilang pangit na kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-24-37-45.


 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page