top of page
Search
BULGAR

Horoscope | January 11, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 11, 2024

Sa may kaarawan ngayong Enero 11, 2024 (Huwebes): Taglay mo ang malakas na personalidad kaya kontrolin mo ang lakas mo. Ang kontroladong lakas ay magagamit mo sa anumang layunin mo sa buhay.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hinahon ang kailangan mo, hindi maganda na matangay ka ng iyong pagkainis. Ang mga taong naiinis ay nawawala sa lugar at ito ay hindi tamang mangyari sa iyo, lalo na ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-20-24-38-39. 

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manghiram ka ng lakas ng loob sa mga malalapit sa iyo na may malakas na kalooban at tapang. Mas maganda at kapaki-pakinabang kung ang hihiraman mo ay may magandang katangian. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-25-27-31-35.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kilalanin mo nang palihim ang iyong mga nakakasama at mga gusto kang makasama. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-19-22-27-33-38.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kahit medyo maaagrabiyado ka, huwag kang pumatol sa may pangit na ugali, hayaan mo lang siya at masasaksihan mo na ang may pangit na ugali ay aani ng pangit ding kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-12-25-29-30-36-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung sino ang buo ang loob sa araw na ito, siya ang magkakaroon ng malaking suwerte. Kung hindi pa buo ang loob mo, dapat ay maging buo ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-29-30-33-34.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makihalo sa mga usapan na pinakikialaman ang buhay nang may buhay. Mas magandang manahimik ka na lang at asikasuhin ang iyong personal na pangangailangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-18-28-34-38. 

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ibigay mo ang tulong na kailangan ng isang malapit sa iyo. Ang tunay at wagas na pagkakaibigan ay ang pagtulong sa panahon ng kagipitan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-18-22-24-26-35.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong layuan ang minsan nang nakatulong sa iyo. Ikaw naman ang tumulong ngayon. Sa ibang panahon, ikaw ay muli niyang tutulungan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-17-20-25-27.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dalawa ang kamay ng tao, kaya puwedeng dalawa rin ang hawak niya. Ito ay nagsasabing puwede ring dalawa ang maging hanapbuhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-24-27-38-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umiwas ka sa anumang klase ng debate hindi dahil matatalo ka kundi dahil ang ganitong bagay ay pag-aaksaya lang ng oras. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-24-31-34-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag nagkabanggaan ang dalawang malakas, sila ay kapwa manghihina. Malakas ka ngayon kaya huwag mong harapin ang taong malakas din. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-21-23-39.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maghintay ka dahil ang naiinip ay lalong pinagdadamutan ng kapalaran. Samantala, ang marunong maghintay ay nilalapitan ng mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-15-27-28-30.

 

 

 

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page