top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | January 11, 2022 (Martes))

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 11, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 11, 2022 (Martes): Malakas ka at hindi ka mahina. Nasa isip mo lang ang mga negatibong pananaw kaya kumilos ka at makikita mong ikaw ay mas malakas kaysa sa mga pangkaraniwang malakas.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawakan mo ang nasa iyo na. Ang hindi pa sa iyo ay puwede ring mapasaiyo. Ang importante ay patuloy kang kumikilos para madagdagan pa ang mga bagay na nasa iyo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-20-24-39-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong akalain na hindi mo kakampi ang langit dahil hindi mo nakuha ang gusto mo. Ang totoo, ang mapasasaiyo ay pasasalamatan mo dahil sobra sa kailangan mo ang darating sa mga susunod na araw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-24-28-35-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagmamadaling dumapo sa iyo ang mga suwerteng kumuha muna ng tamang pagkakataon para lubusang magalak ang puso at damdamin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-17-22-25-43.


CANCER (June 21-July 22) - Muli, magpapakita ka ng kalambutan ng iyong personalidad. Dahil ang mga alam mong hindi talaga dapat pagbigyan ay iyong hahayaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-28-35-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magpakita ng hindi maganda sa iyong kinaiinisan. Sa ganitong paraan, langit mismo ang magpapadama sa kanya na siya ay aani ng hindi magagandang pangyayari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-14-25-33-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinahon ang kailangan mo. Ang mahinahon ay hinahangaan at ang mapupusok ay nilalayuan. Sa ganitong paraan, hahangaan ka ng langit at ikaw ay pagpapalain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-20-24-39-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Huwag kang tumulad sa iba na itinatago ang sarili at sa huli ay nagsisisi dahil sa ginawa nilang pagkukunwari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-21-28-30-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag ng bituin ng kasaganaan. Biglang magbabago ang mundo mo at sobrang sasaya ka dahil ang mga kaganapan sa buhay mo ay mapupuno ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-18-22-25-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tulad ng maningning at kumukutikutitap na mga bituin sa kalangitan, ang magagandang oportunidad ay sabay-sabay na magpapakita sa iyo. Hablutin mo ang mga ito at ‘wag nang pakawalan pa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-18-20-27-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit nagdududa ka sa iyong sarili, huwag kang magduda sa langit dahil ang mga kahilingan mo ay isa-isa nang natutupad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-21-24-31-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong kibuin ang ayaw mo. Mas maganda na alam niya na hindi mo siya gusto. Kapag nagkunwari ka, sasakit ang ulo mo at lalong madaragdagan ang iyong mga problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-10-21-29-31-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong hayaan na maapektuhan ka sa sinasabi ng mga taong alam mong kulang sa gawa. Hindi lang sakit ang nakakahawa, nakakahawa rin ang pangit na gawi at ugali. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-17-25-35-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page