top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | January 08, 2022 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 08, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 8, 2022 (Sabado): Mula sa ibaba, ikaw ay iaangat ng langit at tutulungan mo ang mga nang-aapi sa iyo. Ito ang nakamamanghang kapalaran mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patitibayin ka nang husto ng langit dahil inihahanda ka sa mas malalaking suwerte sa taong ito. Kapag hindi ka handa, masasayang lang ang oportunidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-20-24-33-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mabahala sa mga pagsubok sa iyong harapan. Kusa ring maglalaho ang mga ito dahil ikaw ay sinusubukan lamang ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-16-20-25-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito at ang mga araw na darating na ikaw ay maaaring mabilis mairita. Kapag nangyayari na, kontrolin mo ang iyong sarili nang hindi lumala ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-12-29-30-35-41-43.

CANCER (June 21-July 22) - Habang dumadapo ang patak ng hamog sa bulaklak, sumasaya ang mga halaman. Huwag mong katakutan ang nagbibigay sa iyo ng espesyal na atensiyon. Sa halip, siya ay iyong pasalamatan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-16-19-20-25-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ilabas mo ang barahang alas na matagal mo nang hawak. Magugulat ang mga lantad at lihim mong kaaway kung saan sila ay mag-aatrasan dahil alam nilang wala silang panalo laban sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-22-25-37-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi maganda ang anumang sobra. Suriin mo ang iyong sarili at kapag may natagpuan kang sobra sa iyong mga katangian, gumawa ka ng paraan para sa iyong ikabubuti. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-14-25-38-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sinusukat muna ang damit bago bilhin. Sukatin mo muna ang kakayahan ng nagpapakita ng pagtingin sa iyo nang sa gayun ay hindi ka magsisi sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-16-22-28-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mabahala kapag may nawala. Nakamasid sa iyo ang langit at Siya ang magpupuno sa mga nababawas sa iyo. Kapag langit ang nagpuno, sobra pa ito sa pangangailangan mo. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-22-25-39-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi masamang magpatulong. Ang masama ay ang ayaw magpatulong kahit hindi naman kayang mag-isa. Huwag mong tanggihan ang mga tulong na inaalok sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-25-27-45-47.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang mga kumokontra sa iyo ay papangit ang kapalaran at ang papayag sa kagustuhan mo ay bubuwensin. Ito ang pasya ng langit na hindi na mababago kailanman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-24-25-40-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nakikita ang hangin pero ito ay nararamdaman. Ang itinatago mong pagmamahal ay mararamdaman kaya hindi ka rin makakapagpakilala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-25-31-39-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran ngayon dahil kung sino ang iyong kinaiinisan, siya ang iyong mamahalin at ang nakakatuwa pa nito, hindi ka papayag na siya ay maagaw ng iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-28-30-33-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page