top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | January 07, 2022 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 07, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 7, 2022 (Biyernes): Napakalakas ng iyong pandama. Hindi lang ang motibo ng tao ang madarama mo dahil ang totoo, puwedeng madama mo ang mga mangyayari pa lamang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sa maraming pangarap mo, piliin mo lang ang may malaking posibilidad na maabot mo. Ang iba pa ay isantabi mo muna dahil sa ibang panahon ay puwedeng- puwede pa ring mapasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-24-30-45-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mula sa malayo, nagmamadaling dumating sa buhay mo ang magagandang kapalaran. May mga suwerte ka rin sa malapit, pero ang nasa malayo ay salubungin mo nang may kakaibang tuwa at saya sa iyong puso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-21-30-40-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Ipinapayo ng kapalaran mo na kumuha ka muna ng magagandang ideya sa iyong mga kakilala para sa binabalak mong pagkakakitaan. Ang pagdaragdag ng kaalaman ay makabubuti sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-20-24-30-33.

CANCER (June 21-July 22) - Nasa todong lakas ang iyong mga suwerte. Huwag mo itong sayangin, sa halip ay gamitin mo para mapabilis ang katuparan ng iyong mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-14-29-30-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon. Kahit ipilit mo pa na ikaw ay mananatiling malakas, hindi mo kaya na hindi maawa sa minsan nang hindi nakatupad sa kanyang salita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-25-39-41-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pahalagahan mo ang iyong damdamin. Huwag mong saktan ang iyong sarili. Hindi maganda na magsasakripisyo ka na labag naman sa iyong kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-29-30-33-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbababala ang iyong kapalaran na ang nasa malapit ay magtatampo sa iyo dahil madarama nilang pinahahalagahan mo ang mga nasa malayo. Ito ang mensahe ng para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-28-30-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Suwerte ka ngayon. Kahit kontrahin ng mga lihim at lantad mong kaaway ang nadarama nilang nagdaratingan sa iyong magagandang kapalaran, wala na silang magagawa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-18-24-31-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituro mo ang lihim ng iyong tagumpay. Ang hindi nagdadamot sa kanilang kaalaman ay lalong bibiyayaan ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-24-39-40-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Napakalakas ng iyong imahinasyon sa araw na ito. Mas magandang gabayan mo ang iyong isip at ang tutukan mo lang ay mga positibong mga bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-18-22-25-30-31-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mamasyal ka kahit sandali lang. Ang pananatili sa loob ng bahay ay magdudulot sa iyo ng kalungkutan at ang kalungkutan, minsan ay dahilan ng pagkakaroon ng karamdaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-14-16-22-27-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling gaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Mawawala na ang iyong pananamlay at mapapalitan ng kakaibang sigla kung saan ang mga tila imposibleng bagay para sa iyo ay magiging posible at mangyayari na ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-24-29-30-36-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page