top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | January 06, 2022 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 06, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 6, 2022 (Huwebes): Kasabay ng pagyaman mo ang paglakas ng iyong karisma. Ingatan mong maakit sa iyo ang mga puwedeng magpabagsak sa kabuhayan mo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malakas ka ngayon dahil ang madikit sa iyo ay susunod sa mga kagustuhan mo. Makikitang ikaw ang pag-asa ng mga hindi kayang mapaunlad ang kanilang sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-29-30-35-42-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka, sapagkat muling ibinalik ng langit ang masuwerteng araw mo kung kailan magdaragsaan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-25-31-32-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Mapapansin mo na nagbabalikan ang mga tukso sa iyong harapan. Huwag mong kalimutan na ang tukso ay nakasisira ng kapalaran at ang inspirasyon ay nagpapaganda ng diskarte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-26-28-36-44.

CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang sigla ang iyong madarama ngayon. Ito ay isang malinaw na palatandaan na nasasagap mo ang nagdaratingang malalaking suwerte sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-24-28-33-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Guguhit sa kapalaran mo ang isang nakamamanghang karanasan kung saan sa biglang tingin ay bagsak ka na, pero mahimalang ikaw ay natagpuang aangat nang aangat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-22-29-38-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simple lang ang sikreto upang ikaw ay buwenasin. Ito ay nagsasabing ang masayang pakikipagrelasyon ay magdadala sa iyo ng nakagugulat na mga suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-24-34-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simulan mo ang matagal mo nang balak na magnegosyo. Ayon sa iyong kapalaran, kung makakapagsimula ka, magtutuloy-tuloy ang iyong pagyaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-15-16-25-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayong panahon ng Bagong Taon, magtapon ka ng hindi mo na kailangan. Kumbaga, magbawas ka ng mga hindi na pinapakinabangan. Sa ganitong paraan, magsisipasok sa buhay mo ang mga bagong swerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-13-30-35-39-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang maganda sa paningin, ‘yun ang iyong pipiliin. Hindi ito gabay ng kapalaran dahil ito ay tiyak na mangyayari at hinding-hindi mo pagsisisihan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-19-21-25-27-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papaganda nang papaganda ang buhay pag-ibig mo. Huwag mong pansinin ang mga kontrabida at mapaghanap ng kapintasan. Wala silang pakialam sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-18-21-27-31-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo aasikasuhin ang ilang bagay kahit ang mga ito ay mahalaga. Dahil ang pagtutuunan mo ng lakas, isip at oras ay ang idinidikta ng iyong puso at damdamin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-21-24-31-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makulay ang iyong buhay ngayon at sa mga araw na darating. Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran at masusumpungan mo ang iyong sarili na nasa bagong estado ng pag-unlad at kaligayahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-10-24-26-34-46.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page