top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Horoscope | January 05, 2022 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 05, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 5, 2022 (Miyerkules): Sakyan mo lang ang mga kaganapan sa iyong buhay at dadalhin ka nito sa lugar kung saan personal mong makakaharap ang suwerteng iyong hinahangad.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong maulit ang napakaraming bagay na iyong tinututukan. Mas maganda na kung ano lang ang pinakagusto mo, ‘yun lang ang pagsikapan at gawin mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-28-29-33-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang makihalo sa mga walang kuwentang usapan kung saan masasayang lang ang oras mo sa mga pakikipagpalitan ng kuro-kuro sa buhay ng may buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-27-35-39-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Ipagpatuloy mo lang na parang hindi ka nagsasawang isuot ang makikislap na bagay. Ang mga ito ay nananatiling panghatak sa mga suwerteng kailangan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-25-31-32-37.

CANCER (June 21-July 22) - Dadalawin ka ng suwerte ngayon at kapag natagpuang ikaw ay may positibong pananaw, ang mga ambisyon mo ay mabibigyan ng katuparan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-11-15-20-25-31-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sumasaya ang buhay dahil sa mga kaibigan, pero ang payo ay mamili ka ng mga kaibigan na hindi pabigat sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-9-18-27-36-40-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pansinin ang walang kuwentang kausap. Ang mga masarap kausap ay hiyas sa iyong buhay na magdadala ng ligaya at tagumpay tulad ng diyamanteng magbibigay sa iyo ng kislap at damdaming napakasarap at napakahalagang mabuhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-22-36-34-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumarami ang mga gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Kaya hindi totoo na malulungkot ang buhay mo kapag may nawala sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-21-28-31-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nahaharap ka sa mas malalaking pakikipagsapalaran kaya ang malalaking tagumpay ay nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-17-20-26-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papalakas nang papalakas ang dating ng mga suwerte mo. Ito ay nangangailangan din ng malakas na katawan, kaya mas magandang huwag mong abusuhin ang iyong sarili sa mga bagay na walang kabuluhan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-24-27-34-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka mabibigo sa iyong malalaking pangarap. Kikilos ang langit para mawala ang mga hadlang sa ambisyon mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-21-27-28-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na lumilipad papalapit sa iyo ang mga suwerteng kaloob ng langit sa simula ng taong ito. ‘Wag mo itong hayaan na lumipad papalayo, ibig sabihin, ayusin mo ang iyong buhay at paniwalaan mong mapasasaiyo ang tagumpay sa taong ito. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-11-18-27-31-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinihintay ka ng mga suwerte mo. Ang payo, lapitan mo at huwag mong hintayin. Muli, lapitan mo dahil ito ang susi ng katuparan ng malalaking pangarap at ambisyon mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-17-25-32-34-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page