Horoscope | January 04, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 04, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 4, 2022 (Martes): Nakagugulat ang pagdating ng mga suwerte mo ngayong taon dahil hindi lang ikaw ang masusurpresa kundi pati ang mga mahal mo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang hadlang sa iyong mga kagustuhan. Ang totoo, hindi sagabal sa iyo ang mga ito kundi anino lamang na walang laman at buto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-11-17-20-24-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iwasan mong magalit dahil walang mabuting napapala rito. Sa pagiging mahinahon, nananatiling bukas ang isipan para sa pakikipagkasundo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-19-21-24-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Minsan, biglang humihinto ang tao sa kanyang pagsisikap dahil nasisingitan siya ng pag-aalinlangan. Hindi ito dapat mangyari ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-18-28-30-31-35-36.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang pumayag na maimpluwensiyahan ka ng hindi magandang kilos ng isang nilalang. Ituloy mo lang ang iyong ginagawa at sabihin mo sa iyong sarili na “Ito ay sarili kong buhay.” Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-12-28-30-35-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagkalat ngayon ang mga taong negatibo na parang may sakit na nakakahawa. Kaya iwasan mong mapaniwala ka ng kanilang mga negatibong komento at payo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tip sa lotto-3-14-16-22-25-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pikit-mata, gawin mo ang iyong gusto. Minsan, kapag ang tao ay dilat ang mga mata, napapansin niya ang mga puwedeng makagulo at makasira ng kanyang diskarte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-21-28-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hayaan na masira ang iyong magandang personalidad dahil sobrang naiinis ka sa isang taong hindi naman dapat patulan. Ito ang mensahe para sa iyo ng taong 2022. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-17-21-26-34-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang nabubuhay nang mag-isa dahil siya ay tahimik at malaya. Pero mas maganda ang nakikipagsosyalan dahil sumasaya at sumisigla ang kanyang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-16-24-38-42
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maraming klase ang mga kaibigan, ang iba ay saya ang dala pero hindi naman maasahan sa panahon ng kagipitan. Huwag kang gaanong dumikit sa ganu’ng mga kaibigan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-15-26-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapapahiya ang mag-aakalang ikaw ay mahina. Dahil ngayon at sa darating pang mga araw, ikaw ay makikitang mas malakas kaysa sa mga nag-iisip na sila ay mas malakas sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-25-37-45-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Galit-galitan lang at hindi naman totoong galit. Ikaw din ang masusunod. Ito ang mararanasan mo na sa biglang tingin ay isang mabagsik na leon ka, pero sa kalooban ay isa palang mabait na tupa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-14-17-22-24-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong hayaan na istorbohin ka ng mga palaangal at reklamador. Walang magandang buhay na inaasahan ang mga ganu’ng klase ng tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-21-28-30-32-38.




Comments