Horoscope | January 03, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 03, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 3, 2022 (Lunes): Tagahatid ng mga suwerte ang papel mo sa mundo. Marami ang susuwertehin dahil sa iyo. Kung gusto mong yumaman, magagawa mo rin naman ito at dapat mo nang simulan sa pagdating ng Bagong Taon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga makasisira sa iyong araw. Mas magandang bilangin mo ang mga biyaya at masasayang sandali sa iyong nakaraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-20-28-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami kang dapat baguhin sa iyong sarili, pero huwag na huwag mong babaguhin ang hangarin mong ikaw ay magkaroon ng masaganang buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-17-22-25-36-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw upang magplano ka para sa hinaharap. Hindi puwedeng makuha ng tao ang mga gusto niya nang walang ginagawang preparasyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-25-26-37-40.
CANCER (June 21-July 22) - Masarap makinig sa mga pangako ng pagbabago. Hindi ka dapat umasa na matutupad ang mga pangako, hindi rin maganda kung ikaw ay kokontra. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-29-33-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sakyan mo pa rin ang agos ng pagsasaya kahit nakadarama ka ng bahagyang lungkot. Mahalaga ang masayang pagsasama-sama, lalo na sa araw na ito. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-10-28-30-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang mga makabagong ideya na nabuo sa isip mo sa mga gustong umasenso. Marami ang matutulungan mo dahil sadyang kakaiba ang mga pormula mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-23-32-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humahabol ang ilan na gustong magsaya. Huwag mo silang layuan at tanggihan. Isang obligasyon mo sa kapwa na sila ay pasayahin, lalo na silang gustong-gusto kang makasama. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-18-27-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mamahinga ka dahil nahaharap ka sa mga nakakapagod na araw. Mas maganda na may lakas ka na harapin taong 2022. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-21-27-38-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ihanda mo ang iyong sarili sa mga araw na darating na hahamon sa iyong galing at husay na mamahala. Huwag mong kakaligtaan na dapat ay pantay-pantay ang iyong patakaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-24-25-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Marami ang umaasa sa iyo. Marami rin sa kanila ang puwede namang tulungan ang sarili. Tulungan mo rin silang makapagsimula nang sa gayun ay hindi sila habambuhay na umasa sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-13-17-27-32-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakabagot ang buhay kahit masaya ang mga kaganapan. Mas maganda na wala ka munang kasama dahil sa ganitong paraan, babalik ang iyong sigla at lalo kang magtatamo ng mas marami pang magagandang kapalaran ngayong taon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-14-23-26-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umayon ka lang sa mga naririnig mo. Hindi dapat masira ang mga araw mo sa tanging pulos na pagsasaya lamang. Huwag mong pansinin ang mga kontrabida dahil sasakit lang ang ulo mo sa kanila. Ituloy mo ang iyong plano, sapagkat ito ang araw na pagtatagumpayin ka ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-19-29-30-31-33.




Comments