top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Horoscope | Hunyo 9, 2026 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 9, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 9, 2026 (Lunes): Wala kang hindi kayang gawin, lalo na kapag ginusto mo ang isang bagay. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Huwag mong sayangin ang magandang pribilehiyong ito, at kumilos ka ayon sa iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-25-28-38-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang nasa harapan mo, iyon ang kunin mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-24-27-30-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipilit ang gusto mo. Maghintay ka ng tama at magandang oportunidad. Palampasin mo muna ang mga pangyayaring tila nakakontra sa iyong kagustuhan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-21-33-37-40.


CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng lakas mula sa iyong nakaraang tagumpay. Kung babalikan mo ang nakaraan, makikita mong dahil sa iyong mga natutunan, nalalampasan mo ang mga kabiguan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto–2-11-16-20-31-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pahiramin mo ng lakas ng loob ang taong nawawalan ng pag-asa. Sa katunayan, ikaw ang madalas na pinagmumulan ng inspirasyon at tapang ng mga taong mahihina ang loob. Habang pinalalakas mo sila, lalo ka namang sinusuwerte at pinagpapala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-22-28-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi puwedeng puro plano na lamang dahil hindi ka aasenso. Kumilos ka ayon sa iyong plano. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-26-29-32-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sundin mo muna ang taong mapilit kaysa mauwi sa pagtatalo. Sa huli, mauunawaan din niya na mali ang kanyang ipinipilit at darating ang pagkakataong siya naman ang susunod sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-27-29-37-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo pa ang iyong mga pangarap kahit hindi pa natutupad ang iba. Ito ang sikreto kung bakit patuloy na dumarami ang magagandang kapalarang dumarating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-23-33-39-45.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Kapag ang tao ay mahilig sa maganda, maganda rin ang napapasakanya. Nakakatuwa man, ito ay madalas na nangyayari. Kaya sa magaganda at positibong bagay ka lamang tumingin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-27-30-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pumapangit ang kapalaran ng taong laging galit. Huwag kang tumulad sa kanila. Mas mabuting tingnan mo ang lahat ng bagay nang may pag-ibig sa iyong puso at mga mata. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-22-28-31-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hahanga ka sa isang taong matapang at malakas ang loob. Ngunit ingatan mong huwag lumabis ang iyong paghanga. Maaaring mahulog ang loob mo sa kanya at baka huli na kapag natuklasan mong hindi pala siya madaling mahalin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-26-38-41-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap maunawaan na sa mundong ito, may mga nakalimutan nang muli pang naaalala, at may mga nagkalimutan na ngunit muling nagkakabalikan. Maghanda ka sa muling pananariwa ng isang pag-ibig na inakala mong noon pa nalanta at tuluyang nawala. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-9-16-23-25-32-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page