top of page

Horoscope | Hunyo 8, 2025 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 8, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 8, 2025 (Linggo): Ito ang araw na inilaan para sa iyo. Dahil kaarawan mo ngayon, humiling ka, at tiyak na matutupad ito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Matuto kang maghintay at huwag kang maiinip. Pakinggan mo ang mensahe na ito, nang sa gayun ay mas gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-23-25-30-33. 


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka ngayon. Kahit pa mag-alinlangan ka, hindi na rin magbabago ang itinakda. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-28-29-31-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Mag-isip ka muna. Nahaharap ka ngayon sa maselang bahagi ng iyong buhay, kaya naman kailangan mong pag-isipan ang bawat desisyon na gagawin mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-19-22-37-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang sarili mo kapag pinanghihinaan ka ng loob. Bagkus, ang isipin mo na lamang ay kapag naging positibo ka, posible ring maging positibo ang lahat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-21-24-28-34-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Maging huwaran ka ng tapang at lakas ng loob. Ito ang papel mo sa mundo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-17-26-32-39-42.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sarili mo ang kalaban mo ngayon. Ikaw mismo ang aawat sa sarili mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-16-23-36-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong paniwalaan ang sinasabi nila na hindi ka na nila muling pagbibigyan. Alalahanin mo, hindi ka rin naman nila matitiis. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-12-19-27-35-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sigla ang kailangan mo. Hindi ka dapat mabuhay sa nakaraan, na kung saan labis kang nasaktan. Tandaan mo, marami pang bagong umaga para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-18-21-25-28-38.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bakit tinatakot mo ang sarili mo? Hindi mo pa nga sinusubukan, naduduwag ka na. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-24-26-31-39.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bubuwenasin ka ngayon. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga taong naghahangad na mabigo at masaktan ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-20-22-33-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gawin mo anumang gusto mong gawin. Kapag kumilos ka ngayon, tiyak na magagandang kapalaran ang iyong matatamasa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-19-27-33-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong papormahin ang mga taong alam mong may pagnanasa sa iyo. Bagkus, layuan mo na lamang sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-12-23-29-37-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page