top of page

Horoscope | Hunyo 7, 2025 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 7, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 7, 2025 (Sabado): Kapag nagawa mo ang unang paglalakbay mo, tiyak na masusundan pa ito.  


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lakasan mo ang loob mo na harapin ang pakikipagsapalaran sa malalayong lugar. Sa ganitong paraan, mapapabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-24-34-39-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mukhang tinatalo ka ng mga negatibong kaisipan? Baguhin mo na ang ayos ng mga kasangkapan sa iyong bahay at buksan mo ang bintana upang makapasok ang sariwang hangin. Kapag ginawa mo ‘yan, tiyak na susuwertehin ka na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-18-26-31-36.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Muling nagbabalik ang mayaman mong imahinasyon. Kaya malilito ka sa dami ng magagandang ideya na puwedeng magbigay sa iyo ng kayamanan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-17-30-25-27.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang matakot sa mga kumakalaban sa iyo, sila dapat ang kabahan dahil mas malakas at masuwerte ka kesa sa kanila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-19-21-33-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang mga araw na ito na maiimpluwensyahan ka ng taong akala mo’y may magandang ideya. Kaya humingi ka ng opinyon sa mga pinagkakatiwalaan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-14-29-37-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mula sa malalayong lugar, darating na ang maaga mong regalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-25-35-38-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapagamit, mas magandang kung ikaw ang manggagamit. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-16-27-39-43.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Samantalahin mo ang mga araw na ito, kung kailan ay puwedeng-puwede kang kumita ng malaki. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-18-21-26-36.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka kakapusin sa mga makabagong pormula ng tagumpay. Sa katunayan, marami kang alam at puwede mo itong ipahiram sa iba para umunlad din sila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-28-31-38-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malikot ngayon ang isip mo. Kaya anumang sandali ay puwedeng magbago ang pasya mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-23-25-35-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan mo mamasyal ngayon, nang sa gayun ay bumalik ang talas ng iyong isipan. Ang pananatili sa iisang lugar ay ‘di nakakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-13-20-29-34-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Puwede ka namang lumayas, pero siguraduhin mo lang na babalik ka. Sa katunayan, hindi mo ngayon susundin ang iyong isip at puso, dahil mga paa mo ang masusunod ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-22-24-28-37-43.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page