top of page
Heart Evangelista.jpg

Horoscope | Hunyo 5, 2026 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 5, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 5, 2026 (Biyernes): Tiwala sa sarili ang susi ng iyong tagumpay. At ang katangiang ito ang hahangaan sa iyo ng ibang tao.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang buhay nang may positibong pananaw. Dahil ang pagiging positibo ang nagpapabago, nagpapakulay, at nagpapaganda ng lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-17-25-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Palipat-lipat ang paru-paro sa mga bulaklak. Kaya ang malalaking suwerte na nasa iba ay malilipat sa iyo dahil hindi nila pinahalagahan ang mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-18-20-24-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Harapin ang dapat harapin. Ito ang susi upang maglaho ang iyong mga pag-aalala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-23-28-35-37.


CANCER (June 21-July 22) - Gaganda ang araw mo dahil sa mga masasayang kasama. At ang mga taong makakatulong sa iyo ay mas lalo mong dikitan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-10-21-29-31-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naman mahirap gumawa ng desisyon. Ilagay mo lang ang sarili mo sa katayuan ng iba upang makapagpasya ka kung ano ang tama at mabuting dapat gawin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-25-30-34-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang nasa harapan mo, iyon na mismo ang sagot ng langit sa kahilingan mo. Tanggapin mo ang iniaalok sa iyo na pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-22-31-35-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makisabay ka sa takbo ng pangyayari. Ang isda na sumasalungat sa agos ay nasusugatan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-16-23-33-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mo lang na husgahan ka ng mga wala namang alam. Sa huli, sila ang huhusgahan ng langit at makatatanggap ng parusa dahil sa paglabag sa utos na huwag husgahan ang kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-12-20-26-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dahan-dahan lang ang proseso ng paghilom ng sugat sa puso. Habang naghihintay ka ng kagalingan, huwag mong pabayaan ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-23-28-32-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang pagpapalitan ng opinyon ang susi sa pagdaragdag ng kaalaman. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-11-18-21-34-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagpasya na ang langit, at ang masuwerteng balita para sa iyo ay ibibigay na Niya ang mga bunga ng iyong paghihirap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-20-27-31-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mong gawin nila ang gusto nilang gawin. Hindi ka maaapektuhan kapag mali ang ginawa nila, pero kung mabuti, ikaw ang makikinabang nang husto. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-10-15-18-25-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page