Horoscope | Hunyo 4, 2025 (Miyerkules)
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 4, 2025

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 4, 2025 (Miyerkules): Tutukan mo ang iyong ambisyon sa buhay, at dito mo ibigay ang lahat ng iyong lakas. Iwasan mong maging bahagi ng hindi pagkakaunawaan, intriga, at iba pang mga bagay na pag-aaksaya lamang ng oras.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hahamunin ka ngayon ng iyong kapalaran at titingnan kung papatulan mo ang mga taong mahilig kumontra sa kanilang kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-29-32-36-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tagapag-ayos, ito ang papel mo sa mundo. Iwasan mong pumanig sa kahit sino, dahil ang tunay na nag-aayos ay iniisip lamang kung paano magkasundo ang dalawang panig. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-19-21-24-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman mahirap iwasan ang gulo. Bilisan mo ang pagpapasya, at gayundin ang pagpapatupad ng mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-20-22-34-42.
CANCER (June 21-July 22) - Lumayo ka muna sa problema. Ito ang sikreto kung paano makabubuo ng solusyon sa mga suliranin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-17-26-29-38-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka matitinag. Nagkakamali ang mga nag-aakalang bibigay ka kapag dumarami ang problema mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-23-25-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang hinahanap mo, iyon din ang makikita mo. Pero hindi sapat na makita lamang ito — mas mahalagang kumilos ka upang makamit ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-19-21-24-28-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap paniwalaan, pero kailangan mong malaman na mas mabuting magpasalamat kapag may naiinggit sa iyo, kesa ikaw ang mainggit sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-27-30-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong ilabas ang sama ng loob mo, dahil baka muli mong hindi makontrol ang galit mo. Mas mabuting mamasyal at maglibang upang sumaya ang iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-22-25-32-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na makikinabang ka sa pagkakamali ng iba. Sa halip na mainis, mas mainam na tahimik kang magpasalamat sa pagkakataong dumating. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-26-28-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakaiba ang takbo ng kapalaran mo ngayon. Sa mga sandaling nalulungkot ka, bigla namang darating ang magagandang biyaya na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-20-24-29-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madaling gawan ng paraan ang pakiramdam mong hindi umuusad ang buhay. Kumilos ka na parang nag-eehersisyo, at simulan mo ito sa simpleng galaw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-19-21-27-33-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga alam mong magpapahamak lamang sa iyo. Huwag mong tularan ang iba na kahit alam na nilang hindi mabuti ang isang tao, ayaw pa rin nilang layuan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-15-25-34-42.
Comments