top of page

Horoscope | Hunyo 30, 2025 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 30, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 30, 2025 (Lunes): Papaangat ka nang papaangat hanggang sa maabot mo ang dulo ng iyong mga pangarap. Iwasan mong magmalaki, dahil iyan ang magpapabagsak sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibigyan ka ng pagkakataon upang mas pagandahin ang iyong buhay, lalo na pagdating sa larangan ng salapi at pagpapayaman. Huwag mo itong sayangin dahil lang sa mga panandaliang kaligayahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-13-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa taong asensado, at lumayo ka naman sa mga taong walang pangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-20-25-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Maghangad ka ng mas malaki. Sa unang tingin, ito ay hindi magandang payo, pero ito ang pormula para yumaman ka. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-19-21-26-32-38.


CANCER (June 21-July 22) - Tutukan mo ang pinagkakakitaan mo. Ngayon ang tamang panahon upang kumita. Kaya huwag mo na itong palampasin pa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-23-38-40-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ang sinumang gustong umasenso ay kailangan munang dumaan sa hirap at pagsisikap. Ito ang tandaan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-26-30-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nadadagdagan ang kulang, habang ang sobra naman ay nababawasan. Kaya panatilihin mo ang pagkakaroon ng sapat na buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-9-18-29-31-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dapat kang magtabi ng kinikita mo. Huwag kang tumulad sa iba na puro gastos, at sa huli ay magsisisi at manghihinayang lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-11-19-24-34-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mamahinga ka. Pero tandaan mo, hindi lang katawan ang dapat na nagpapahinga, dahil maging ang isip ay dapat mo ring pagpahingain. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-23-28-33-38-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumanat ka pa at huwag kang hihinto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-14-24-31-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gagamitin ka ng isang tao para umangat siya. Puwede ka namang magpagamit, pero kailangan mong siguraduhing aangat ka rin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-16-22-27-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang inspirasyon at lakas ng mga taong gustong umasenso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-20-25-37-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - ‘Wag kang matakot kung magkakaroon ka man ng mga bagong kaibigan, dahil kapalaran mo mismo ang magbibigay sa iyo nito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-7-19-29-35-42.


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page