top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hunyo 30, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 30, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 30, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 30, 2023 (Biyernes): Kumikilos ang iyong kapalaran sa pagpapataas ng iyong kalagayan. Itinakda kang humawak ng matataas na puwesto dahil ikaw ay para rito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo, huwag kang mag-alinlangan sa iyong kakayahan. Oo, ituloy mo ang bagong negosyo na noon mo pa nais subukan. Mas suwerte ito kaysa sa mga nauna mong negosyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-10-14-23-39-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Papasulong ang buhay mo. Ang pag-unlad ay nasa iyong harapan kaya bakit ka aatras? Anumang pagsubok ang sumaiyo, labanan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-28-30-35-41-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Iaangat ka ng iyong kapalaran kahit hindi pa sapat ang iyong kakayahan. Ganyan na dati ang takbo ng iyong buhay, mabilis at nakakagulat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-24-28-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo ang kaunlaran at itakwil ang kahirapan. Hindi ka isinilang para maghirap. Ang kasaganaan at magandang kinabukasan ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-24-33-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ay nakaupo sa hulihan na tinawag upang paupuin sa unahan. Mabuhay ka sa pagpapakumbaba dahil ikaw ay itatanghal, habang silang mapagmataas ay ibabagsak at ipapahiya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-15-18-25-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tutulungan ka ng bago mong kakilala para gumanda ang takbo ng iyong buhay. Huwag mong tanggihan at pagduduhan ang inaalok niyang tulong. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-29-30-31-36-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lahat ng luma ay pangit sa paningin. Sa panahon ngayon sinisira nila ang bago para magmukhang gasgas. Ang luma at dating kaibigan mo ay may maitutulong sa iyo. Ito ang hiwaga ng buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-5-26-35-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Wala sa malayo ang tutulong sa iyo. Kung sino ang malapit do’n idadaan ng langit ang matagal at inaasam-asam mong kahilingan na ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-28-30-35-43-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumulong ka sa abot ng iyong makakaya. Sa ganitong paraan, pagpapalain ka at mas marami ang mga suwerteng ibibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto- 7-16-19-28-30-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinapaboran ka ng nakakataas sa iyo. Pagdadamutan ka naman ng mga kapantay mo. Huwag kang magalit. Ang buhay ay sadyang mahirap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-26-29-35-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Isang-dipang na bahay pero masayang naninirahan ang mga naroroon. Ito ngayon ang papasok sa isip mo na mas maganda kaysa sa palasyong bato. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-25-29-30-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang salita ng hula ay mahirap maunawaan. Tulad sa iyo, ang sabi ng kapalaran mo ay aayawan mo, ‘yun pala ay magugustuhan mo ito at habambuhay na kayo’y magsasama. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-25-38-36-41.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page