Horoscope | Hunyo 30, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 30, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 30, 2022 (Huwebes): Marami kang lantad at lihim na kaaway, pero ikaw pa rin ang magwawgi. Maiiwanan mo sila nang milya-milya hanggang sila ay sumuko na.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aangat ka pa nang aangat. Ang pagkakataong mapaganda mo ang iyong kalagayan ay mananatili sa iyo nang mahabang panahon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-21-30-33-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdagdag ka ng kaalaman kung paano mas mapapahusay ang iyong mga katangian. Hindi ka mabibigo dahil ang nagdadagdag ng kaalaman ay papasulong ang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-13-17-22-25-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Madidikit ka sa mga may sinasabi at nagtatagumpay na. Ilalapit ka ng langit sa kanila nang sa gayun ay mabilis na matupad ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-26-28-31-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit mahina ka, ang katuparan ng mga pangarap ay mapasasaiyo. Ang mahina ay lumalakas at ang malakas ay humihina, isa itong batas ng katalagahan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-15-17-27-31-32-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang. Huwag kang magmadali na magtagumpay. Ang bunga na naglawit sa sanga na hilaw pa ay hinihintay na mahinog bago pitasin at kainin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-29-32-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dadaloy sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Dumating na ang takdang panahon na ikaw ay magtatagumpay sa bawat gagawin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-12-18-17-23-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong iwasan ang mga may sinasabi at mayaman na maging bahagi ng iyong buhay. Dala-dala nila ang mga regalo mula sa langit na sadyang inilaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-22-29-33-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabalita ang araw na ito at ang mga araw pang darating na magbabago ang takbo ng iyong kapalaran kung kailan magsisimula na ang maliligayang sandali para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-25-26-32-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasasagap ng tao ang pagdating ng kanyang kapalaran. Masigla ka ba, palaging nakangiti at may kakaibang masarap na pakiramdam? Ibig sabihin, ikaw ay susuwertehin na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-27-30-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tataas ang posisyon mo. Dahil dito, maglalabasan ang mga naiinggit sa iyo. Huwag kang mag-alala, ipanatag mo ang iyong sarili dahil wala silang magagawa kundi ang mainggit lamang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-25-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-aaksaya ka at hindi ka maaawat. Ito ay dahil panay ang pagdating sa iyo ng mga biyaya. Nagtataka ang mga nasa paligid mo kung bakit malapit sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-27-30-35-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadapo sa iyo ang malalaking suwerte. Mababawasan ang mga ito kapag hindi ka pa handa, pero wala kang dapat ipag-alala dahil ang maiiwan sa iyo ay sobra para sa iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-13-18-22-27-33.



Comments