top of page
FRANKLY - IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO - KAREN-IG _iamkarendavila.jpg

Horoscope | Hunyo 3, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 3, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 3, 2026 (Miyerkules): Nakalaan sa iyo ang pamumuno. Kaya hindi ka mananatili sa ibaba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isama mo sa pangako mo na iiwasan mong magmalaki kahit na sa totoo lang ay marami kang maipagmamalaki. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-12-20-28-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madaragdagan ngayon ang mga taong may ranggo na makakasama mo. Sila ay naatasan ng langit upang ikaw ay alalayan hanggang sa matupad mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-17-23-26-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Makukulay at makikislap na bagay ang magsisilbi mong pampasuwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-13-19-29-33-37.


CANCER (June 21-July 22) - Maaakit mo ang magagandang kapalaran sa pamamagitan ng patuloy na pag-aalaga sa mga halaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-21-30-36-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Dalasan mo ang pagpapaaraw sa unang oras ng umaga. Bukod sa lalakas ka, susuwertehin ka rin, dahil ito mismo ang magiging panlaban mo sa mga negatibong tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-12-22-26-34-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya kahit pa sobrang init ng panahon. Kaya hindi ka rin mawawalan ng mga oportunidad na lalo pang mapalago ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-24-31-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Higit sa lahat, ang pang-unawa ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Sikapin mong maunawaan ang mga bagay na para sa iba ay napakahirap unawain. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-21-25-28-30.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka mapipigilan na mangarap nang sobra. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-19-27-33-37.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Lumayo ka sa mga bagay na alam mong makakasira sa iyong reputasyon. Sa panahong ito ng iyong buhay, marami ang kikilala at hahanga sa iyo. Kaya ingatan mo ang maganda mong imahe. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-14-20-22-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madaragdagan ngayon ang iyong mga ari-arian. Pahalagahan mo ito, dahil regalo ng langit ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-16-24-29-30-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo kailangang mag-alala sa dami ng gusto mong mangyari, dahil gagawan ito ng paraan ng langit upang maganap at maibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-11-23-26-36-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadagsa sa kapalaran mo ang magagandang oportunidad na magbibigay sa iyo ng magandang buhay. Higit kailanman, ngayon mo kailangan lakasan ang iyong loob. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-20-28-35-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page