top of page

Horoscope | Hunyo 3, 2025 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 3, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 3, 2025 (Martes): Mag-utos ka at masusunod ka. Ang papel mo sa mundo ay maging taga-utos. Ito rin ay nagsasabing paangat ka nang paangat hanggang sa maabot mo ang tuktok ng iyong tagumpay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-ingat ka sa mga maporma na magsasalita na parang alam na alam ang kanilang sinasabi. Lumayo ka agad sa kanila dahil hindi gaganda ang inyong pagsasama. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-24-38-40-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malalaking pangarap ang ilarawan mo ngayon sa iyong isipan. Dahil sa totoo lang, para sa iyo ang malalaking tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-21-29-38-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Nakakapuwing ang maliit, kaya ‘wag mong hamakin ang mga nasa ibaba. Ang totoo, malaki ang maitutulong nila para mas mabilis kang umasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-25-30-32-35.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kahit malamig o mainit ang panahon, ituloy mo lang ang iyong pagsisikap. Natutuwa ang langit sa mga nagpupursigi sa buhay na hindi humihinto kahit mahirap ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-16-22-33-36.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy na magdaratingan ang mga alalay at tulong para sa iyo. May mga pagkakataong tatanggihan mo ito dahil ang gustong tumulong ay hindi mo naman talaga kapalagayan ng loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-20-22-28-37.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tataas ang ranggo mo, pero kung hindi ka tatanggi at kung bibilisan mo ang pagpayag, kalungkutan ang magiging kalaban mo. Sa totoo lang, ayaw mo naman talagang tumaas ka ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-25-27-30-31-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papabor sa iyo ang mga pagkakataon. Kahit hindi mo gaanong igiit ang gusto mo, kusang maaayos ang mga pangyayari sa mga nauna mong plano. Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil langit mismo ang mag-aayos ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-19-23-28-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hinahon at mababang boses ang gamitin mong sandata kontra sa mahigpit mong kalaban. Wala siyang magagawa sa harap ng kawalang-galit at mapagkumbaba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-26-29-30-31-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang may alam, siya dapat ang makialam. Kung ganu’n, sino ba ang may alam? Sino pa nga ba, kundi ikaw. Higit kaninuman, ikaw ang may pakialam. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-15-23-28-36-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaki ang maitutulong mo sa pag-asenso ng isang tao dahil ikaw ang kanyang inspirasyon. Huwag mong hayaang masira ang magandang tingin niya sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-19-22-27-35-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumuluwag at papaluwag pa ang daan ng buhay na iyong nilalakaran ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-17-20-21-26-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong gawin. Hindi puwedeng patuloy kang mahirapan dahil mahirap mang aminin, nawawalan ka na ng sigla at sigasig. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-23-27-31-39-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page