top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hunyo 29, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 29, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 29, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 29, 2023 (Huwebes): Mabait ka sa kapwa mo kaya ang langit ay mabait din sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit ka pinagpapala at laging nakakatanggap ng mga biyaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mong mabuti ang bawat hakbang na iyong gagawin. Huwag kang mabahala kung pansamantalang maantala ang mga ginagawa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mararamdaman mo ang pagmamahal sa mga bagay na ipinapakita sa iyo ng isang malapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-25-31-35-37-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na may pag-ingat. Hindi ka puwedeng magkamali, dahil sa maliit na pagkakamali ang mga kontra-bida ay magdidiwang sa pagkakamali mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-15-25-28-35-45.

CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang kapalaran mo ngayon. Pagbutihin mo dahil walang ibang sisihin kapag nabigo ka. Bihira lang dumating sa tao na siya ang magpapasya sa buhay niya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-27-31-32-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Alagaan mo ang sarili mo. Huwag kang umasa sa iba. May kani-kanyang prioridad ang bawat isa. Ang umaasa sa kanyang kapwa ay nasasaktan at sumasama lang ang kalooban. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-28-35-36-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paghaharian ka ng emosyon. Kapag nahalata mong nangyayari na ito, sikapin mong maging kalmado. Ang bugso ng damdamin ay madalas maging sanhi ng paglala ng sitwasyon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-16-27-30-32-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahina ka sa mga araw na ito. Mas magandang na pakinggan mo ang iyong mga kaibigan. Hindi ka nila ilalagay sa mali dahil masasaktan din sila kapag nasasaktan ka. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-10-17-21-22-25-26.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Suwerte ka ngayon pero ito ay mangyayari kapag ikaw ay nakipagsapalaran sa mga bagay na hindi mo pa nagagawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-24-36-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga mapanghusga pero huwag mo rin silang husgahan. Hayaan at hintayin mo lang ang mga susunod na mangyayari. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-19-26-36-39-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling bumalik ang kakakayang mong madama ang tunay na motibo ng isag tao. Hindi ka dadayain ng kutob mo tulad noong nakaraan. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-17-20-25-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ituloy ang mga planong may kinalaman sa iyong pangarap. Ito ang payo sa iyo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-13-14-23-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyo ang araw na ito. Gawin mo anumang gusto mo. Ang sinumang sumalungat sa kagustuhan mo ay ang langit mismo ang kanilang nakakasagupa. Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-17-26-29-30-31-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page