Horoscope | Hunyo 28, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 28, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 28, 2023 (Miyerkules): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Kahit pa makaranas ka ng hindi magandang kapalaran. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka kahit marami kang problema. Kapag ganito ang iyong ginawa, patuloy pa ring magdaratingan ang magandang oportunidad sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-20-24-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang simpleng paraan, dahil dito mapapadali ang iyong pag-unlad. Ang nabubuhay sa pasikut-sikot na daan ang madalas na naliligaw ng landas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-20-24-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat malibang sa masasayang kaganapan. Ang tao ay nabuhay upang pagandahin ang kanyang kinabukasan. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-21-25-29-31.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa iyo, kaya kung may kahilingan ka, ilapit mo na ito sa itaas. Panigurado sa makulimlim na panahon ipagkakaloob sa iyo ng langit ang lahat ng kahilingan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-24-25-38-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lalapit sa iyo ang mga suwerte. Maaari kang mamili kung sino ang nais mong maging bahagi ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto- 22-28-30-31-36-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gawin mong puhunan ang biyayang mapapasaiyo. Magsisilbing binhi ito na sa bandang huli ay yayabong, lalago at mamumunga ng napakaraming matatamis. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-27-34-43-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag may problema, na papalapit ang tao sa langit. Kapag naman ang tao ay sinusuwerte naglalapitan sa kanya ang mga nagbabait-baitan. Mag-ingat ka sa mga nagbabait-baitan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-11-1-27-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili. Baka matangay ka muli ng saya at sa huli ay manghinayang ka sa mga nawala sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-20-26-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo sa alam mong sisira sa iyong diskarte. Hindi maaaring huminto ka sa tinatahak mong landas, kung kailan panatag na ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-17-23-30-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang madikit sa iyo, siya ang suwerte. Dahil ang langit mismo ang lihim na nag-uutos na dumikit sa iyo ang mga taong magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-24-25-36-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakapagtaka ang kapalaran mo ngayon, dahil kahit ubusin at sayangin mo ang biyayang ipinagkaloob sa iyo, hindi ka pagagalitan ng langit. Sa halip ay kukunsintihin ka pa nito. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-11-18-24-26-36-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka dahil ang buhay dito sa mundo ay pakikipagsapalaran. Ang takot na makipagsapalaran ay mapapabilang sa walang pag-asang gumanda ang kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-18-25-26-36-42.




Comments