top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Hunyo 27, 2023 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 27, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 27, 2023 (Martes): Simula nang ika’y isilang kakambal mo na ang panalo kaya walang dahilan upang atrasan mo ang mga hamon ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaiba ang takbo ng gulong ng iyong kapalaran ngayon. Habang gumagalaw ang mga suwerte pakaingatan mo itong ‘wag masayang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-19-20-24-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibinabalita ng iyong kapalaran ang mga pagbabago sa buhay mo. Ito ay papunta sa pag-unlad ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-24-29-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Masasayang pangyayari ang nag-aabang sa tinatahak mo kaya walang dahilan para hindi mo ipagpatuloy ang maliliit at malalaking plano mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-15-23-33-35.

CANCER (June 21-July 22) - Wala ng mga lungkot at wala na ring mga pagluha ang ibinabalita ng iyong kapalaran sa hinaharap. At may isa pang masayang balita, ito ay ang malalaking suwerte na paparating. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-22-29-30-31.

LEO (July 23-Aug. 22) -Harapin mo ang mga araw na may sigla at ngiti sa iyong mukha. Dahil ang mga gusto mo sa buhay ay sinang-ayunan na. Magpasalamat at magbigay ka ng papuri sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-20-26-27-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibinabalita sa iyo ng iyong kapalaran na sa mga darating na araw ay aanihin mo ang matatamis na bunga ng iyong mga pagsisikap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-26-27-39-40-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakaawa ang mga magbibigay sa iyo ng kalungkutan dahil sila mismo ang malulungkot. Ito ang pasya ng langit na hindi puwedeng mabali. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-12-19-20-26-37-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo sa darating na mga araw, dahil ang hindi mo gusto ang makakabuti para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-17-21-24-26-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mag-alala sa mga pangarap mo dahil kahit na marami pa ito, tiyak na mapapasakamay mo pa rin ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-19-22-25-34-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibaba mo ngayon ang iyong mga baharang alas. Sa ganito paraan, magugulat ang mga taong nakapaligid sa iyo. Alam mo kung ano pa ang mas nakakagulat? Dahil sila ay aasa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-15-20-27-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakabilid ang takbo ng kapalaran mo dahil mawawala ngayon ang mga taong hindi mo naman maasahan at ang mga tinulungan mo pero pinagtaguan ka pa rin ay hindi mo na makikita. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-15-20-21-25-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin mo ang madaling mapasaiyo. Bakit papahirapan mo ang sarili mo? Sa ganito paraan mas marami kang makukuhang magagandang bagay at mas magiging mabilis pa ang iyong pag-unlad at pag-asenso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-26-30-34-43.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page