top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hunyo 25, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 25, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 25, 2023 (Linggo): Yayaman ka sa pamamagitan ng iyong imahinasyon. Kaya gamitin mo ito sa pagnenegosyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya, kaya ginagarantiyahan na ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-23-39-45-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makinig ka sa mga kuwento ng mga tao. Marami kang makukuhang pormula ng tagumpay na magagamit mo sa iyong pagpapaunlad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-15-26-38-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka muna sa kasalukuyang ginagawa mo, dahil sa iyong pag-iisa makakaisip ka nang mas magandang paraan para maiwan mo ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-15-19-20-21-27-31.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong ituloy ang iyong paglayo dahil sasaktan mo lang ang iyong sarili. Mas mabuting isagawa mo ang pananahimik kapag ikaw ay galit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-22-24-33-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Umiwas ka sa mga malapit sa iyo, ang payo sa iyo ng iyong kapalaran ay makipag-ugnayan sa malalayo. Buksan mo ang komunikasyon mo sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-24-36-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang susi ng tagumpay. Huwag mo itong ipagdamot dahil hindi mo naman magagamit ‘yan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-15-18-20-26-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumabas ka. Sa ganitong paraan, mailalantad mo ang natatagong galing at husay mo. Ang mga alahas gaano man kamahal ay walang anumang halaga kapag hindi ipinakikita. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-25-26-34-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maging masinop ka. Huwag kang papatanggay sa iyong kapwa, dahil tiyak na malaki ang kabang yaman na mawawala sa iyo. Mahalin mo ang mga biyayang hawak mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-20-27-40-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mag-aksaya ng panahon, araw at oras. Tutukan mo ang iyong mga ambisyon upang mapaaga at mapabilis ang pagkakaroon mo ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-21-27-35-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka masaya, ro’n ka! Huwag mong pilitin ang iyong sarili na magsaya. Ito rin ay nagsasabing ang pagsasakripisyo ngayon ay hindi makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-15-19-23-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakaramdam ka nang pananamlay, aakalain mong pinagdadamutan ka ng iyong kapalaran pero ‘pag nagawa mong mamasyal, magdadagsaan sa iyo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-16-28-30-31-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ang masuwerte sa ngayon, alam mo kung sino ang mamalasin? Sino pa ba, eh ‘di ‘yung ang mga gumagawa at nagpapakalat ng tsismis laban sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-20-21-25-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page