top of page

Horoscope | Hunyo 24, 2025 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 24
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 24, 2025



Horoscope

 

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 24, 2025 (Martes): Lahat ng maganda ay para sa iyo. Ang pangit na nagaganap sa buhay mo ay dahil sa sarili mong pagkakamali, pero ‘wag kang mag-alala, dahil patuloy pa ring pagagandahin ng langit ang kapalaran mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka masaya, roon ka! At magugulat ka, dahil kapag masaya ka, ang mga suwerte ay kusang darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-14-18-29-32.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lahat ng bagay rito sa mundong ibabaw ay nagbabago. Ngayon na ang araw, na kung saan ay magbabago na ang isang taong noon mo pa gustong magbago. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-22-24-28-34-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakakaakit ka ngayon. Hindi lang mga tao ang maaakit sa iyo, dahil pati ang mga suwerte na nasa paligid mo ay mama-magnet mo rin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-20-23-31-44.


CANCER (June 21-July 22)  - Umiwas ka sa tukso. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-25-29-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kumuha ka ng lakas sa taong noon pa man ay nagpapalakas na ng loob mo. Ito ang payo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-21-27-32-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang maniwala sa magagandang salita na para bang wala kang kapintasan. Dapat mong maalala na ang mga mandaraya ay gumagamit ng magagandang salita. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-19-24-35-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit wala o kapos ka, tulungan mo pa rin ang mga taong malalapit sa iyo. Ito ang susi upang bumukas ang pintuan ng grasya na handang maglabas ng mga biyaya sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-18-26-36-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magduda kung papaganda nang papaganda ang kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-15-27-39-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa mga taong may pangit na pag-uugali. Kilala mo sila, dahil sila ‘yung mga nakakasama mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-21-28-30-37-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinuhusgahan ang maruming kamay. Ang gumawa ng pagkakamali sa iyo ay maghuhugas kamay, at simula ngayon ay gagawa siya ng kabutihan sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-8-20-27-39-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasa malayo ang mga suwerte mo ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-14-16-32-38-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Buksan mo ang iyong puso sa pakikipagkaibigan. Hindi maganda sa tao ang nakasarang puso na para bang wala na siyang pag-asang lumigaya pa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-24-30-34-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page