top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Hunyo 24, 2023 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 24, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 24, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 24, 2023 (Sabado): Ito ang araw na sa sandaling umibig at magmahal ka, tuluy-tuloy na dadaloy sa iyo ang kakaibang suwerte at magandang kapalaran. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaan na matangay ka nang galit. Habaan mo pa ang iyong pasensya at pang-unawa. Hindi lahat ay may sapat na talino para makuha ang mga simpleng bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-24-28-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang iyong araw. Isabuhay mo ang pagiging masinop at mapagpahalaga sa mga biyayang mapapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-20-38-49-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Isingit mo ang ilang minutong pahinga. Sa pagpapahinga, papasok sa isip mo ang mas magandang plano sa kung paano ka papalarin at magiging maligaya. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-16-21-33-40.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong abusuhin ang iyong sarili sa walang katapusang gawain. Mas mahalaga ang magandang kalusugan, kaysa sa anumang materyal na bagay. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-20-24-34-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Linisin mo ang iyong silid-tulugan, dahil ang magandang kapalaran ay magdadatingan kung ang iyong silid-tulugan ay hindi makalat. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-20-29-36-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka nang kumilos dahil sa kawalang pagkilos ang mga negatibong pananaw ay maaaring maghari sa iyo. Gawin mong abala ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-18-21-23-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mo ang sobrang pagpupuyat. Mas gumaganda ang kapalaran kapag maganda at kumpleto ang tulog. Mas nilalapitan ng mga suwerte ang taong napapanatili ang kanilang kagandahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-27-30-35-41-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo ang maliliit na regalo, dahil ang kondisyong inilatag ng langit upang magkaroon ka nang malalaking kapalaran ay ang hindi mo aayawan ang maliliit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-18-20-27-41-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang papahuli, upang makatanggap ka na mga suwerte ngayong araw. Ito ang utos sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-25-37-41-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umaarangkada ang mga suwerte mo. Magiging mabilis ang mga kaganapan. Mas maraming magpapasaya sa iyo pero ikaw naman ay magpapatuloy sa pagiging tahimik at walang pakialam. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-20-25-36-38-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsasawa ka sa masasayang kaganapan, kaya hindi nakakapagtaka kung maghari sa iyo ang hindi maipaliwanag na kalungkutan. Mamasyal ka sa hindi mo pa napasyalang mga lugar. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-29-30-37-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang ibinubulong ng sarili mo na magpunta ka sa malayo, dahil ang tunay na ligaya ay madarama mo kapag ikaw ay lumayo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-17-29-36-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page