Horoscope | Hunyo 23, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 23, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 23, 2023 (Biyernes); Tiyak ang pagyaman mo kapag nagnegosyo ka at tiyak din na magreresign ka nang maaga kapag namasukan ka dahil ikaw ay para sa negosyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magiging mabilis ang takbo ng mga pangyayari, kaya kung babagal-bagal ka maiiwanan ka. Ang pag-aalinlangan ang pinakamahigpit mong kaaway. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-18-20-24-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka muli ng isa pang pagkakataon upang kumita ng malaking halaga sa iyong negosyo. Talasan mo ang iyong isip at sunggaban ang mga dumarating na suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-32-36-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Muli, ipagkakaloob sa iyo ang espesyal napribelehiyo na hawak mismo ng iyong kapalaran. Gamitin mo ito. Hindi ka dapat muling mabigo rito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-27-29-30-38.
CANCER (June 21-July 22) - Kung saan ka makikinabang, doon ka! Hindi dapat maghari sa iyo ang emosyon. Ang totoo, madalas sa buhay ng isang tao ang damdamin ay sagabal sa pag-asenso. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-15-18-25-38-43-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Paparami ang nagkakainterest sa iyo. May desidido pero mas marami ang magtatangkang makuha ka, dahil sa sitwasyon mo. Manahimik at ipagpaliban muna ang pagpapasya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-29-36-38-41-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang mailap, ibig sabihin nasa kanya ang mga katangian bagay na bagay sa iyo. Kaya ang payo sa iyo ay matutong maghintay. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-26-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malalaman mo ngayon ang hiwaga sa iyong buhay. Matutulad ka sa isang bulaklak, bago lumabas ang tunay na bango ng bulaklak, kailangan muna nitong masaktan at masugatan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-22-25-36-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga tukso. Nagbabanta ang mga ito na sirain ang buhay mo. Hindi sila mahirap tukuyin dahil alam mo na kung ano ang tunay na motibo ng bawat lumalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-25-27-35-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mumunting patak ng mga tubig ang bumubuo sa dagat. Gayundin ang bundok na mula sa mumunting mga alikabok. Mag-ipon ka, ito ang tunay na sikreto ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-11-14-28-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papasayahin ka ng langit at susuwertehin ka. May darating na magagandang kapalaran sa iyo. Sa sorpresa nagmumula ang tunay na saya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-24-29-33-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala kapag natangay ka ng pagkakataon. Ito ay senyales na kumikilos ang iyong kapalaran para sa iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-15-21-25-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Didikitan ka ng mga tao na mapagkukunan mo ng pakinabang. Hindi nila mamamalayan na kusang lumilipat sa iyo ang ilang suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-20-24-33-36.




Comments