Horoscope | Hunyo 20, 2025 (Biyernes)
- BULGAR
- Jun 20
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 20, 2025

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 20, 2025 (Biyernes): Malakas ang iyong pandama, at may kakayahan ka ngayon na malaman ang motibo ng mga nakakaharap mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Ito ang takdang araw para gawin ang pagkakawanggawa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-24-29-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Talo ka ngayon ng iyong damdamin. Itago mo ang iyong nadarama, at mas maganda kung hindi ka muna magpapakita sa taong laman ng iyong puso’t isipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-20-28-31-35-43.
GEMINI (May 21-June 20) – Mahina ka ngayon, at hindi mo makokontrol ang iyong damdamin. May babala na ang maling pagtulong sa kapwa ay puwedeng-puwede mong magawa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-17-25-34-44.
CANCER (June 21-July 22) – Ito ang araw na kahit makagawa ka ng pagkakamali, mamahalin ka pa rin ng langit. Masuwerteng kulay-pink.
Tips sa lotto-7-13-21-23-29-39.
LEO (July 23-Aug. 22) – Ito ang araw na kahit ang mga kaaway mo ay gagawan mo pa rin ng maganda. Sa katunayan, sila lang naman ang nagagalit sa iyo kahit wala kang ginagawang masama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-22-31-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Aagos sa kapalaran mo ang magagandang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-10-13-20-23-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Mahihirapan kang layuan ang mga magaganda sa paningin mo, pero masuwerte ka pa rin naman dahil ang nakukursunadahan mo ay may magandang kalooban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-16-19-26-31-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Pakitaan mo ng maganda ang mga taong may pangit na kapalaran. Dahil ikaw ngayon ang magsisilbi nilang sanga ng langit upang yumaman at suwertehin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-12-25-27-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Piliin mo ang seryoso. Aanhin mo ang masayang kausap kung wala namang pangarap? Dahil ang kailangan mo ay ang magtutulak sa iyo sa asensadong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-21-26-37-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Nakamasid ang mata ng langit sa iyo. Bukod sa binabantayan ka Niya, paglalaanan ka rin Niya ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-20-22-28-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Ngayon ipapakita ng langit ang daan tungo sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-9-17-29-31-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Oo, mababawasan ang hawak mo, pero ‘wag kang mag-alala, dahil papalitan din ito ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-21-23-27-42.
Comentarios