top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hunyo 20, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 20, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 20, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 20, 2023 (Martes): Mamamalaging nakabukas para sa iyo ang tainga ng langit, dahil maawain at matulungin ka sa iyong kapwa. Minsan ay humiling ka rin para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Itago mo ang mga napasaiyong suwerte. ‘Wag mo itong dadalhin sa mga lugar na pupuntahan mo upang may makuha ka pa ring suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-21-28-30-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Damdamin ang maghahari sa iyo ngayon. Mapipintasan ka ng iyong kapwa, ngunit ang langit ay hahanga sa iyo at magkakaroon ka ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-29-33-37-40-42.

GEMINI (May 21-June 20) – Kapag umuulan, nababasa ang kalsada. Uulan ng grasya ngayon. Huwag magmukmok sa iyong silid. Lumabas ka para ang grasyang mula sa langit ay iyong mapasakamay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-20-22-25-29-34.

CANCER (June 21-July 22) - Dapat magbayad ang may utang. At mas magandang pautangin ang may kakayahan lamang magbayad at hindi rapat pautangin ang balasubas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-10-15-22-28-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Luluwag ka ngayon. Hindi lilitaw ang iyong sikretong katangian. Magugulat sila dahil dadami ang iyong mga kaibigan. Ang iba ay may hatid na suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-23-26-34-36-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iyo ang araw na ito, Ibig sabihin, anuman ang iyong hilingin sa langit ay tiyak na ipagkakaloob sa iyo ng nasa itaaas. Hiling na! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-22-24-26-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magparaya ka. Okey lang na ikaw ay malamangan, dahil mas maraming paparating na suwerteng iyong makakamit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-23-35-37-40-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumukuha ng lakas ang Haring Araw. Sikat lang ng araw ang iyong kailangan, upang may maramdaman kang kakaibang sigla. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-19-24-26-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Ngayon ay tag-ulan at tag-araw. Kumbaga, sa lahat ng panahon ang mga langgam ay nag-iipon. Sikapin mo itong maunawaan. Muli, ito ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-22-26-27-35-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang kumapit sa mga taong nahihirapan. Itaas mo ang iyong dignidad. Hindi puwedeng manatili ang tao sa sitwasyong nawawala ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-20-26-28-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipamahagi mo ang sobra. Naalala mo ba, noong ginawa mo ito, nagdatingan sa buhay mo ang mas maraming suwerte na nagbigay sa iyo ng labis na kasiyahan? Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-21-25-26-34-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Saan mo matatagpuan ang iyong kaligayahan? Saan pa ba, edi sa labas ng iyong bahay! Kaya, mali na matagal kang naghihintay sa loob ng iyong tahanan. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-28-29-38-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page