Horoscope | Hunyo 19, 2025 (Huwebes)
- BULGAR
- Jun 19
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 19, 2025

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 19, 2025 (Huwebes): Mapalad ka, dahil napapabilang ka ngayon sa mga taong kahit hindi gaanong magsumikap ay gaganda pa rin ang buhay.
ARIES (Mar. 21–Apr. 19) - Muli mong mararanasan ang kalungkutan, pero muli mo rin naman mararamdaman na kahit puro kalungkutan pa ang iyong maranasan, makakatikim ka pa rin ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-25-31-39-45.
TAURUS (Apr. 20–May 20) - Susuwertehin ka ngayon. Sa katunayan, ngayon na magsisimula ang masuwerte mong araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-15-17-24-36.
GEMINI (May 21–June 20) - Mahalin mo ang iyong kasalukuyan, at huwag kang mangahas. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-21-28-33-42.
CANCER (June 21–July 22) - Bagong sigla ang regalo sa iyo ng langit. Kaya kung pakiramdam mo ay ‘di ka umuusad, aba’y nagkakamali ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-20-26-37-44.
LEO (July 23–Aug. 22) - Ito ang araw na kung saan ay malaya mong magagawa anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-16-25-39-41.
VIRGO (Aug. 23–Sept. 22) - Mataas ngayon ang level ng iyong isip at nasa mataas na kalagayan din ang iyong lakas. Kaya puwedeng-puwede mong ipatupad ngayon ang mabilisang pagkilos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-23-29-32-45.
LIBRA (Sept. 23–Oct. 22) - Madaragdagan na naman ang mga inggit sa iyo, lalo na’t kahit wala kang gawin, aasenso pa rin ang buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-12-27-36-43.
SCORPIO (Oct. 23–Nov. 21) - Kaya mong iwan ang iyong mga kakumpitensya. Itutok mo ang magagandang katangian mo sa mga bagay na ikagaganda ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-28-30-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22–Dec. 21) - Masasayang ang mga suwerte kapag nakalimutan mong magsinop. Ito ang babala ng iyong kapalaran.
Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-22-26-31-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22–Jan. 19) - Ngayon mo kailangang ipasok sa ulo mo na ang panlabas na kagandahan ay hanggang labas lang, habang ang panloob na kagandahan ang higit na dapat na pinahahalagahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-19-23-30-37.
AQUARIUS (Jan. 20–Feb. 18) - Marami na rin ang napaluha mo, at marami na rin ang nasaktan dahil sa iyo. Ayon sa kapalaran mo, madaragdagan na naman ang bilang ng mga mabibigo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-17-24-28-39-42.
PISCES (Feb. 19–Mar. 20) - Habang nagsasaya ka, huwag mong kalimutan na may umaasa rin sa iyo. Paglalaan mo pa rin ang mga ito, dahil sa bandang huli, lalabas silang kaawa-awa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-16-27-33-45.
Comentarios