top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hunyo 19, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 19, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 19, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 19, 2023 (Lunes): Marami ang magtatanong na, “Ikaw lang ba ang anak ng Diyos?” dahil ipaparamdam ng nasa itaas na mahal ka nito. Ito ang kahulugan ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Alalay lang, kumbaga, huwag mo nang pahirapan ang iyong sarili dahil ang magaganda nangyayari sa iyo ngayon ay dahil sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-20-25-36-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli, sasaya ka ngayon dahil ikaw ay natagpuang yakap-yakap ang hindi mo naman mauunawaang lungkot na iyong nadarama. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-15-21-24-30.

GEMINI (May 21-June 20) - Ingatan mong lamunin ka ng labis na tiwala sa ganda ng iyong kapalaran. Mas mabuti kung paghandaan mo ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-21-29-31-42.

CANCER (June 21-July 22) - Dumating na ang araw kung saan malakas ang iyong gayuma. Sa mga ngiti at salita mo lamang ay manghihina na sila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-15-17-28-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang nais mo, iyon din ang gusto ng langit para sa iyo. Kaya isipin mo munang mabuti kung ano ba talaga ang gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-27-38-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyado ng matagal ang ginagawa mong pag-iisip. Hindi na nakakabuti ito dahil hindi na nakakakilos ang iyong katawan. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-25-32-35-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Matatangay ka sa pagsasaya, makakaligtaan mo ang ilang mahahalagang obligasyon mo sa buhay. Magsaya ka, pero ‘wag dapat itong sosobra. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-pink .Tips sa lotto-7-16-21-27-29-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masisira na naman ang pangako mo sa iyong sarili dahil ang paglalaanan mo ay ang matagal mo nang gustong bigyan kasiyahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-25-29-32-38-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikaw ngayon ang inspirasyon ng mga nasa ibaba. Ituloy mo lang ang magandang ginagawa mo upang tularan ka rin nila. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-24-29-30-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Init ang nagbibigay ng sigla, ngayon ka makakaramdam ng pananamlay. Ang payo ay hamunin mo ang iyong sarili sa proyektong mag-iinit at alam mong mahihirapan ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-25-27-34-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Samantalahin mo ang pribilehiyong ito, paunlarin mo ang buhay mo. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay- violet. Tips sa lotto-5-11-15-23-28-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malulunod ka sa ligaya. May babala na makakalimot ka na kailangan mo pa ring magsikap upang tuluy-tuloy kang suwertehin para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay- peach. Tips sa lotto-7-16-28-31-40-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page