Horoscope | Hunyo 18, 2025 (Miyerkules)
- BULGAR
- Jun 18
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 18, 2025

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 18, 2025 (Miyerkules): Tanungin mo ang iyong sarili, may ambisyon ka ba sa buhay o wala? Kung meron, tiyak na mapagtatagumpayan mo ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw mo at ang ilang araw na darating ay para pa rin sa iyo. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, at ngayon mo na simulan ang muling pagpapayaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-12-19-23-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang lang naman ang iyong kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-28-34-36-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Babalewain mo ang mga payo, ipagpaliban mo muna ang proyektong gustung-gusto mo. Ang masayang balita ay nagsasabing, tama ang gagawin mong pikit-matang pagsugod. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-21-23-32-38.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang umiwas. Malakas ka ngayon at papalakas ka pa nang papalakas. Ang dapat umiwas ay ang mga nag-aakalang mahina at hindi ka buwenas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-22-26-27-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi bingi ang langit sa mga kahilingan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-19-21-29-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magugulat ka ngayon, dahil ang hindi mo nagawa sa nakaraan ay magagawa mo na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-17-20-23-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling mangyayari ang senaryong mapupunta sa iyo ang ayaw mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-22-24-33-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalabas ang lakas ng iyong loob na matagal nang natutulog. Mararamdaman mo na ang mga imposible noon ay posible na ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-24-26-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sumabay ka sa takbo ng panahon upang hindi ka mapag-iwanan. Huwag kang mag-alala, dahil ayon sa kapalaran mo, mapapasaiyo pa rin lahat ng sarap. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-23-25-34-48-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag iginagalaw ang katawan, ang kaduwagan ay naglalaho. Kapag kilos nang kilos kahit hindi tiyak ang layunin, sa huli ay matutuklasan mo na nasa paanan mo na ang tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-15-23-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit litung-lito ka sa buhay, mapasasaiyo pa rin ang mga gusto mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-25-30-34-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang iyong kutob upang hindi ka mapahamak. Ito ang gabay ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-17-21-24-39-40.
Comentarios