Horoscope | Hunyo 18, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 18, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 18, 2023 (Linggo): Sapat na ang iyong kakayahan upang yumaman. ‘Wag mong biguin ang iyong sarili, tutukan mo ang pagpapayaman. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Ang sinumang magtangka na bigyan ka ng problema at pasakitin ang iyong ulo, ang langit mismo ang kanyang makakabangga. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-10-23-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang ang kailangan mo ngayon. Hindi sa pakikipag-away kundi tapang na gawin ang noon mo pa ayaw simulan na pagpapaunlad sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto- 6-15-20-29-38-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nalulunod ang mabilis na lumulusong sa ilog. Suriin mo muna ang bawat anggulo ng proyektong inaalok sa iyo. Sa gayun ang pagkabigo ay hindi mapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-25-28-30-41.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na bibigyan ka nang lakas ng loob, dahil ikaw ay natagpuang kulang sa pagkilos. Ngayon mo na gawin ang hindi mo pa nagagawa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-21-28-32-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon. Iwasan mong may makabunggo ka. Mas maganda pa rin na ‘di magamit sa anumang gulo ang iyong lakas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-20-27-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibibigay ng langit sa iyong harapan ang mga senyales na iyong hinihintay. Huwag mo itong sayangin, gawin mo na ngayon ang dati mo pang sinasabi na magpapayaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-22-27-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapagbiro minsan ang kapalaran dahil sa hindi mo inaasahang pagkakataon, ikaw pala ay makikinabang mula sa mga akala mo’y walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-21-24-27-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Alipin ka ngayon ng iyong isip. Ang langit na mismo ang magpapasyang itulak ka upang kumilos. ‘Wag ng magplano, dahil madalas ang pagpaplano ay walang kuwenta. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-25-29-36-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang sumunod sa iba. Sila ang dapat na sumunod sa iyo at makikita mo marami ang matutuwa sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-12-21-29-31-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakagulat ang mga pangyayari dahil bigla kang magkakaroon ng tapang. Kahit ikaw ay hindi ka makakapaniwala na nagawa mo ang akala mo'y hindi mo kaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-19-23-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na lilipad ka tulad ng isang agila. Sa taas ng lipad mo, ang mga mahihina at duwag ay hindi makakasabay sa iyo. Masuwerteng kulay- peach. Tips sa lotto-7-19-21-29-31-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga alam mong pangit ang diskarte sa buhay. Mas maganda ang mga nakakasama mo ay nabubuhay sa kaayusan at may malinis na pagkatao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-18-20-28-30-41.




Comments