top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hunyo 17, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 17, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 17, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 17, 2023 (Sabado): Pinatatag at pinatibay ka ng iyong kapalaran. Ikaw ay may karapatang makatanggap ng malalaki at mabibigat na suwerte sa buhay. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo na buo ang iyong loob. Hahanga sa iyo mismo ang langit at bibigyan ka ng mga suwerteng labis mong ikatutuwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-23-27-33-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong bawasan ang hawak mo. Sa totoo lang, kailangan mo pa itong dagdagan nang dagdagan. Ganito ang dapat na ginagawa upang mapaghandaan ang kinabukasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-17-24-36-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung mahina ka. Kailangan mong makinig sa mga malalapit sa puso mo, dahil sila ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-22-28-30-41.

CANCER (June 21-July 22) - Kung hindi ka na masaya sa iyong trabaho ngayon, magplano ka na sa pag-alis mo. Huwag kang tutulad sa iba na bigla na lang umaalis kahit hindi pa napaghandaan ang mga pangangailangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-19-20-27-33-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang pagkukunan ng lakas ng nanghihina at wala ng pag-asa. Sa tulong mo, muli siyang makakatayo at mas gaganda pa ang kanyang buhay. ‘Wag na wag mo siyang pagdamutan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-12-27-31-38-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mag-aksaya. Kung ano pa ang puwedeng gamitin, gamitin mo at kung ano ang mayroon ka pagkasyahin mo. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-19-26-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang inaalok sa iyo kunin mo, dahil ang langit ang nag-aalok nito para sa iyo. Ginagamit lang ng langit na instrumento ang kapwa mo tao. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-24-29-30-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpahiram ka kung mayroon ka. Kung wala naman, huwag kang magyabang. Mas maganda sa tao ang natural lang ang mga kilos. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-21-26-38-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gumagaan ang pasanin kapag katuwang ang mahal sa buhay. Huwag sarilinin ang paglutas sa mga problema, hindi ito makakabuti para sa iyo. Ito ang payo ng iyong kapalaran na kailangan mong pakinggan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-21-27-38-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang sa langit, ikaw ay pagbibigyan kahit pa ang maging kahilingan mo ay may pagkaimposible o mahirap na mangyari. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-13-21-29-37-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi pagtakas sa problema ang paglayo. Kailangan mo lumayo upang mapag-aralan mo ang mga nararapat na hakbang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-20-31-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago ka pumasok sa negosyong nais mo, magtanong-tanong ka muna, upang makaiwas ka sa pagkalugi. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-15-28-35-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page