top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hunyo 16, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 16, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 16, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 16, 2023 (Biyernes); Lakasan mo ang iyong loob, at mag-abroad ka, dahil nasa pag-a-abroad ang katuparan ng pinapangarap mo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka muna. Sa paglayo mo, masisilip ang maaari mong gawin upang mas lalong umunlad ang iyong buhay. Sa hindi paglayo, ang pagkabagot ay makikitang maghahari sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-25-39-40-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bilangin mo ang mga taong tumutulong at nagbibigay saya sa iyo. Sa kanila ka sumama dahil sila rin ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran sa panahong tag-ulan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-21-24-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Sisingit sa iyo ang mga bagong ideya. Oo, ang ito ay magaganda kaya hindi ngayon ang tamang pagpapalit ng pormula ng tagumpay na iyong pinakikinabangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-19-22-25-34.

CANCER (June 21-July 22) - Nasa mataas na antas ang iyong imahinasyon. Maganda ito kung gagamitin mo sa pagpapalago ng iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-23-31-33-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kalmado lang ang may mga naipon. Huwag kang tumulad sa iba na nakikipagsabayan sa pagkakaroon ng mga usong personal na bagay at gamit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto -6-17-26-28-34-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang paisa-isang hakbang ay daan sa matagumpay na buhay. Magsumikap ka hanggang sa tuluyan kang umunlad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-18-20-21-25.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lahat ay nabibigo, pero hindi lahat ay tulad ng sa iyo na sa kabiguan ay may darating na magagandang oportunidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto -4-14-15-23-37-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ang iba upang sumaya. Pero kailangan ka ng kapwa mo para sila ay sumaya. Sa ganito, mas gaganda ang takbo ng iyong buhay dahil magkakakulay ang iyong mundo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-20-26-39-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Balikan mo ang iyong nakaraan kung saan marami kang nasayang na kabuhayan. Kung maiisahan ka ng maliit na bagay, mas magandang tanggapin mo ng maluwag sa loob mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto- 15-18-20-21-27-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madali kang mapapaniwala ngayon. Hindi masama kung ang mga mahal mo at ang malalapit sa puso mo ang makakaisa sa iyo. Mag-ingat sa mga hindi gaanong kakilala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto- 11-18-19-22-27-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dapat sumunod ka sa katotohanan, na ang pula ay pula. Sa aminin mo man o sa hindi ang pagkakamali sa buhay ay parang inilalarawan mo na rin ang mga bagay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-14-15-26-34-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka magagalit sa naninira sa iyo? Hindi naman ikaw ang nasisira kundi siya mismo na naninira sa iyo. Kaya kahit wala kang gawin, siya ay kusang babagsak. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-24-25-39-40-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page