top of page

Horoscope | Hunyo 17, 2025 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 17
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 17, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 17, 2025 (Martes): Likas kang masuwerte at dapat mo itong gamitin para sa sarili mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susuwertehin ka ‘pag hinarap mo ang mga pagsubok sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-3-12-19-26-38-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakabukas ang pintuan ng iyong pag-asenso. Kaya humakbang ka papasok. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-15-16-24-28-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Lalapit sa iyo ang suwerte mo kapag ika’y masaya. At lalayo naman sa iyo ang mga suwerte kapag nakita kang matamlay at malungkot. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-18-20-27-32.


CANCER (June 21-July 22) - Bakit ka nagkukulong? Makipagsapalaran ka! Sa pakikipagsapalaran, liligaya at matutuwa ka. Muli, huwag mong ikulong ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-19-25-34-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Dito sa mundo, walang natatapos. Sa katunayan, ang sinasabi nilang tapos na ay may karugtong pa pala. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-13-17-28-31-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malapit lang sa iyo ang suwerte mo. Kaya maglinis ka ng bahay at bakuran upang mabilis na pumasok sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-metallic blue. Tips sa lotto-7-15-22-33-37-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ihip ng hangin ang gamot sa iyong lungkot, at masayang musika naman ang pampabuhay ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-13-29-32-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumunod ka sa payo na iwasan ang pagkaing nakakasira sa kalusugan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-18-21-26-39-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Saan ka man mapunta, ‘di ka na mawawalan ng mga oportunidad. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-15-17-28-33-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumisilip sa iyo ang magandang kapalaran. Kaya isabuhay mo ang pagkakaroon ng positibong pananaw, nang sa gayun ay dapuan ka ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-8-16-25-31-35-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng mga palawit sa katawan. Maniwala ka man o hindi, ito ang iyong pampasuwerte sa araw na ito. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-14-22-30-39-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang kalooban mo. Ang mga nararanasan mo ngayon ay isa lamang pagsasaayos ng kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-1-13-20-26-33-43.

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page