top of page

Horoscope | Hunyo 15, 2025 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 15
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 15, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 15, 2025 (Linggo): Hindi hihinto sa pag-ikot ang gulong ng iyong kapalaran hangga’t ‘di ka pa lumiligaya. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi na mahalaga kung ano ang mga pananaw mo, dahil noon pa nagpasya ang langit na ibigay sa iyo ang lahat ng magpapasaya sa puso mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-13-29-35-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na mapapasaiyo ang pinakagusto mo. Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran dahil ang mga pangyayari ay kusang aayon sa mga plano mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-28-31-33-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Kusang aalis ang mga kaganapan na hindi mo gustong mangyari. Langit mismo ang gagawa nito, kaya hindi ka na dapat mamroblema pa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-20-23-29-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na ang panalo ay mapapasaiyo. Ibig sabihin, hindi ka matatalo sa kahit anong klase ng pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-27-32-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mo ang labis na pagtitiwala sa sarili. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-23-25-30-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madalas ikaw lang din naman ang dahilan kung bakit hindi gumaganda ang takbo ng iyong kapalaran dahil sobra ka kung mag-alinlangan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-22-28-34-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na anumang gusto mong gawin. Sinumang humadlang sa iyo, langit mismo ang makakasagupa at makakalaban. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-21-27-33-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makakalimutan mo ang sama ng loob mo sa isang taong akala mo ay hindi ka pinapahalagahan. Dahil sa ngayon, papakitaan ka niya ng kakaibang pagtingin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-20-24-35-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gaganda ang takbo ng pangyayari kapag ang relasyon ay maayos at may pagkakaunawaan. Kalimutan n’yo muna ang mga problema. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-29-32-36-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasa harap mo ang magagandang oportunidad, kaya wala ka nang dapat gawin kundi ang sunggaban ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-19-26-32-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi puwedeng manatili ka sa loob ng bahay ng maraming araw. Mas maganda kung mamamasyal at maglilibang ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-25-28-38-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawakan mo ang sarili mo, dahil sa lugar na pupuntahan mo, tiyak na maraming tukso. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-10-20-30-34-44.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page