top of page

Horoscope | Hunyo 14, 2025 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 14, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 14, 2025 (Sabado): Taglay mo ang kakayahang paramihin ang gusto mo. Kaya wala kang katuwiran kapag hindi mo naparami ang iyong salapi at kabuhayan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghinay-hinay ka. Kahit ano’ng bilis ng sasakyan, nagme-menor din ito sa delikadong daan. Nahaharap ka ngayon sa maraming hadlang. Kaya muli, magdahan-dahan ka. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-12-19-25-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tanggapin at gawin mong puhunan ang anumang ibibigay sa iyo. Ngayon ang tamang panahon para makipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-23-30-39-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ang araw mo at para din sa iyo ang ilan pang mga araw na darating. Gawin mo na ngayon ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-14-17-28-32-44.


CANCER (June 21-July 22) - Magugulat ka sa sarili mo. Biglang mawawala ang iyong pagiging mahiyain at ang isa pang nakamamangha ay magagawa mo na ang isang bagay na akala mo’y ‘di mo kakayanin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-22-31-35-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Itaya mo ang kapalaran mo para manalo ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-15-21-30-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - “Minsan mapagbiro ang kapalaran,” iyan ang masasabi mo kapag nasumpungan mong yakap-yakap ang isang bagay na ayaw mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-19-24-31-33-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ka, iyon ang iyong ipakita. Sa ganitong paraan, hindi ka magsisisi. Sa pagkukunwari, walang magandang inaasahan ang isang tao. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-13-16-22-34-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang itinanim, iyon ang aanihin. Kaya magtanim ka ngayon para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-9-17-20-28-38-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maaabot mo ang mataas na puwesto dahil ikaw ay itinalaga sa mataas na ranggo. Kaya lang, dapat mo munang tanggapin na kailangan mong magsimula sa ibaba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-15-29-36-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Luminga-linga ka, dahil ang suwerte mo ay nasa malapit lang. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-7-18-21-24-27-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kulang ka lang naman sa sigla kaya hindi gumaganda ang kapalaran mo. Simulan mo na — umawit mag-isa, ‘yung awit na mapapasayaw ka. Kaya mag-TikTok ka na! Ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-16-22-26-31-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsisimula nang gumanda at magningning ang iyong kapalaran ngayon. Halos abot-kamay mo na ang tagumpay. Kaya anuman ang nasa harapan mo, huwag kang matakot—sugod lang nang sugod! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-25-30-37-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page