top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hunyo 14, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 14, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 14, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 14, 2023 (Miyerkules): Mabubuhay ka sa saya. Iwasan mo ang kalungkutan upang hindi ka iwan ng mga suwerte. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit seryoso ka, maging mapagbiro ka dahil dito mo makukuha ang magagamit mo upang magpatuloy ang iyong sigla. Ito ang mensahe para sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-17-20-23-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon pa lang magsuot ka na ng magagadang kasuotan para magsidatingan ang magagandang kapalaran sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-29-30-31-32-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagsisimula ng lumakas ang iyong mga suwerte. Huwag kang magugulat kung ang mga nakakamanghang bagay ay biglang mapasakamay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-13-19-20-23-25.

CANCER (June 21-July 22) - Samantalahin mo ang mga araw na nakakaramdam ka ng kakaibang saya at sigla. Makipagsapalaran ka upang ang panalo ay makamit mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-29-31-38-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magpakababa ka nang sa gayun ay mahulog ang mga biyayang kaloob ng langit. Sa pagiging magpamataas ang tao ay hindi makakatanggap ng mga grasyang mula sa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-12-25-26-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmadali ka, kumilos ka na may sigla para mas marami at malalaki ang mga suwerteng mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayong panahon ng tag-ulan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-17-20-21-23-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hayaang uminit ang iyong ulo. Hindi ito makakabuti sa takbo ng iyong kapalaran na kung saan ay nagdadatingan sa iyo ngayon ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-20-21-27-28.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maging huwaran ka at maging positibo dahil ‘pag laging mabuti ang ginagawa mo, tuluy-tuloy din ang pag-unlad at magagandang kapalaran ang mapapasa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-22-26-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makisakay ka sa takbong ng sitwasyon. Huwag kang sasalungat sa agos ng buhay. Ang butihing langit ay hindi ka pagdadamutan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-20-25-26-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumitibay ang magagandang kapalaran habang ito ay tinataglay ng mabubuting tao. Sa huli, matutulad ito sa isang malagong puno na hitik na hitik sa matatamis na bunga. Magpasalamat ka lagi sa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-9-11-14-28-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magmadali ka para ‘di ka masingitan ng mga negatibong pananaw upang maging masaya at maraming tao rin ang iyong mapasaya ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-24-26-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon mo na simulan ang mga gusto mong mangyari na ‘di mo nagawa sa nagdaan. Aayunan ka ng langit sa anumang naisin mong gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-16-23-25-33-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page