Horoscope | Hunyo 13, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 13, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 13, 2026 (Sabado): Mapupunta sa iba ang mga suwerte mo, dahil hindi mo ito inilalagay sa sarili mo. Unahin mo muna ang iyong sarili, bago mo payamanin ang ibang tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ang mga taong hindi mo inaasahan ang magbibigay sa’yo ng alalay. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-19-28-31-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung masisira lang ang araw mo nang dahil sa isang tao, mas maganda pang mag-isa ka na lang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-18-23-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit mabilis ang kilos mo, panatilihin mo pa rin ang talas ng iyong isip, nang sa gayun ay hindi masayang ang mga oportunidad na nasa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-20-31-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Sa sa iyo ang paglago ngayong araw. Hindi lang sa kabuhayan, kundi pati na rin sa kaalaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-19-27-29-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag ka nang makigulo sa sigalot ng iba, dahil baka sa iyo lang mabuntong ang inis ng mga naaargabyado. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-18-22-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamit ang iyong talino, makakaiwas ka sa kabiguan at maiiwan mo ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-15-21-32-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapadaya! Hindi lahat ng magandang salita ay tama, at mas lalong hindi tama ang mga nasobrahan sa pagsasalita ng magagandang balita. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-13-16-26-29-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ka, iyon ang iyong ipakita. Sa ganitong paraan, may katuwiran ka na layuan ang mga taong maraming inililihim sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-19-20-25-39.
SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Huwag mong gaanong pagkaabalahan ang problema ng iba. Hindi makakabuti kapag nawala ka sa pagtutok sa sarili mong pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-21-23-27-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaking suwerte ang nakakapit sa sinusolusyunan mong problema. Kaya naman, inihanda na ng langit ang iyong premyo, kaya ‘wag mong takasan ang iyong mga suliranin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-24-37-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami nang nawala at lumayo sa iyo, ngunit may isang mananatili upang ika’y samahan. Ang mananatili at lagi mong kakampi ay ang langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-14-25-29-32-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ihakbang mo ang mga paa mo para sumigla ka. Ito ang susi ng kapalaran mo, na sa bawat paghakbang, papalapit ka nang papalapit sa dulo ng iyong pinakamalaking ambisyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-22-25-36-38.



Comments