top of page

Horoscope | Hunyo 13, 2025 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 13, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 13, 2025 (Biyernes): Ginagarantiyahan ka na makakamit mo na ang tagumpay. Hindi ka bibiguin ng langit at papanigan ka Niya ngayon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakamasid sa iyo ang langit. Kapag nakita ka Niyang hindi natitinag, malalaking suwerte ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-17-25-27-30.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi makakaporma ang mga naghahangad na ikaw ay mabibigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-24-26-32-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mo lang at huwag mong awatin ang mga nagpapakita sa iyo ng kakaibang pagtingin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-28-31-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-11-15-25-34-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa pagpasan sa mga bagay na hindi mo naman talaga obligasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-20-23-29-35-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pag-aaksaya ng oras ang pag-iisip sa mga walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-19-22-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magmadali ka ngayon para hindi ka manghinayang sa napakagandang oportunidad na nasa iyong harapan. Kapag binalewala at hindi mo ito pinansin, mapupunta ito sa kamay ng iba. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-21-25-33-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang manghinayang sa mga bagay na maganda lang sa paningin, pero pabigat naman sa buhay. Ang tunay na maganda ay ang makakapagpagaan din ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-24-26-36-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tiyakin mo munang walang pinapanigan ang taong nagbabalita sa iyo bago ka maniwala. May mga magtatangka na iligaw at pabagsakin ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-27-32-34-37-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Handa ka nilang alalayan ngayon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-17-20-27-35-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang sinabi mo, iyon ang gawin mo. Hinahangaan at ginagalang ka ng iba, dahil sa pagtupad mo sa iyong mga salita. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-23-25-31-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipaparamdam ngayon ng langit na hindi ka Niya pababayaan. Ang malalaking kahilingan mo ay bibigyan Niya rin ng katuparan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-21-29-36-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page