Horoscope | Hunyo 13, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 13, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 13, 2023 (Martes): Hindi ka pababayaan ng iyong kapalaran. Kikilos ito upang gumanda ang iyong buhay kahit magkamali ka nang paulit-ulit. Ito ang ibinabalita ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito, hilingin mo sa langit ang mga nais mo dahil makakaasa ka na kahit may pagkaimposible, gagawa ng paraan ang langit upang maibigay ito sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-24-28-35-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tagapagpasaya ang iyong papel sa mundo. Iwasan mong makaakit ng mga pinasaya mo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-19-21-23-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahina ka ngayon laban sa tukso. Mas makakabuti na tutukan mo ang pagkakakitaan at isubsob mo ang iyong sarili sa trabaho. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-6-18-20-26-41.
CANCER (June 21-July 22) - Espesyal ang araw na ito para sa iyo. Binibigyan ka ng kapalaran ng karapatan na gawin ang anumang gusto mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-20-21-27-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag ka nang mamili. Kung ano ang iyong nasa harapan, ‘yun ang ipinagkaloob sa iyo ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-22-24-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong ipahalata na mas angat at mataas ka kaysa sa iba. Kapag nagawa mong kumilos at magsalita tulad nila, maiiwan mo sila nang ilang milya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-25-26-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil ikaw ang pipiliin ng taong may dalang suwerte. Aayaw sila sa mga mapoporma na akala mo’y may maipagmamalaki, kaya tiyak na ikaw ang pipiliin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-22-27-30-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka kahit sabihin ng iba na ‘di ka mapakali at parang nalilito ka. Sa ganitong paraan, magugulat ka dahil sa iyo dadapo ang malaking suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-23-32-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakaingatan mo na makasakit ka ng damdamin ng kapwa. Mas maganda na ‘wag kang kumontra kaysa makapagbitaw ka pa ng masasakit na salita. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-16-27-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mag-alinlangan. Kung ano ang unang plano mo, ‘yun ang gawin mo. Kapag may naisip kang bago, kahit pa maganda ito, ‘wag mong baguhin ang naiplano na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-19-20-24-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na magsisimulang umayos ang kapalaran mo. Ang mga hindi magandang nagpapahirap sa iyo ay mawawala at muling papabor sa iyo ang mga pangyayari. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-17-25-37-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bawasan mo ang mahaba at matagal na pag-aanalisa sa mga bagay. Maaring makalagpas sa iyo ang magagandang pagkakataon ‘pag hindi ka agad kumilos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-22-29-30-32-38.




Comments