Horoscope | Hunyo 12, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 23 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 12, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 12, 2026 (Biyernes): Kusa kang iaangat ng iyong kapalaran. Sa katunayan, noon pa man ay nakaguhit na sa iyong kapalaran na ikaw ay aasenso.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ka na wala sa loob mo, pero ang masuwerteng balita ay tama ang ikikilos mo. Hayaan mo na ang kapalaran mo ang magdikta sa mga dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-19-24-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Oo, hawak mo ang beat! Kaya kung ano’ng gusto mo, ‘yun din ang gugustuhin ng langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-22-27-29-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Mas gaganda pa ang takbo ng iyong kapalaran kaysa sa nakaraan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-25-30-32-40.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi paasa ang langit. Sa ngayon, naghahanda na ng regalo sa iyo ang langit upang ibuhos ang kagalakan sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-20-31-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong mapansin na ikaw ay mapagmalaki. Sa totoo lang, nakahihigit ka sa karamihan, pero maganda pa rin kung magpapakababa ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-26-33-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sapat na ang talino mo para masolusyunan ang mahihirap na palaisipan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-12-24-27-30-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumuha ka ng aral sa buhay mula sa masaklap na karanasan ng isang kakilala mo, dahil hindi ka puwedeng matulad sa kanya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-16-21-38-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung magpapayo ka, gandahan mo ang tono ng iyong boses, dahil ang pagkakamali ng ilang nagpapayo ay tama nga ang kanilang sinasabi, ngunit hindi naman tama ang tono ng kanilang pananalita. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-19-24-31-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Gawin mo itong simple at huwag nang lagyan pa ng kung anu-anong dekorasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-16-25-27-33-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung magpapatuloy ang pagiging mahiyain mo, hindi mo malalaman na ikaw pala ay sobrang lakas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-14-26-29-34-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magdalawang-isip, gawin mo nang mabilis ang gusto mong gawin. Ang pagdadalawang-isip ay noon pa hadlang sa magagandang kapalaran na para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-13-22-30-32-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tanggapin ang imbitasyon na makibahagi ka sa pagsasaya at paglalakwatsa. Pero unahin mo muna ang dapat unahin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-19-23-38-42.



Comments