top of page

Horoscope | Hunyo 12, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 12
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 11, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 12, 2025 (Huwebes): Ilalagay ka ng iyong kapalaran sa mataas na puwesto, na kung saan ay hahawak ka ng mga tauhan. Huwag mong abusuhin ang iyong kapangyarihan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na ang pagpapaunlad mo ay nasa todong-lakas. Samantalahin mo na ito, at sunggaban mo na ang bawat oportunidad na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-12-19-23-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tiyak na makakakuha ka sa kanila ng magandang kapalaran. Kaya dumikit ka sa mga angat sa buhay, at huwag kang didikit sa mga minamalas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-27-34-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Maaantala ang pag-asenso mo kapag naligaw ka. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-22-26-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na papaboran ka ng nakakataas sa iyo, habang dadayain ka naman ng mga mas mababa kesa sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-17-28-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na dadapo sa iyo ang isang magandang kapalaran na puwedeng magdala sa iyo ng malaking kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-8-19-26-37-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madarama mo na higit kang mas mahusay kesa sa mga pangkaraniwan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-15-26-33-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung may gusto ka, ngayon mo na sabihin sa iyong karelasyon. Maliit ang tsansa na siya ay tumanggi dahil ang araw na ito ay para lumigaya ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-12-27-30-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Itulak mo ang iyong sarili sa mga bagay na puwedeng magpaunlad sa buhay mo. Huwag mong asikasuhin ang mga walang kaugnayan sa pagpaparami ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-24-31-34-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Suwerte ka ngayon. Saan ka man naroroon at anuman ang iyong pananaw sa buhay, hindi na mahalaga. Nagpasya na ang langit na ngayon ay susuwertehin ka, sa ayaw at sa gusto mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-22-28-38-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang susunod sa kagustuhan ng iba kapag alam mong pansarili lang ang kanilang motibo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-25-32-36-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran, dahil tiyak na malalaking suwerte ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-15-18-21-24.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang, agad na kikilos ang langit at ika’y pagbibigyan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-26-34-40-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page