top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hunyo 12, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 12, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 12, 2023



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 12, 2023 (Lunes): Isinilang ka para hindi maging alipin. Ito ang lihim na dahilan kung bakit lagi kang may alalay at hindi ka puwedeng gawing utusan ninuman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Panatilihin mong nakasayad ang mga paa mo sa lupa. Sa ganito paraan, hindi ka lalayuan ng mga nasa paligid mo, sa halip ay mas lalo ka pa nitong mamahalin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-23-39-40-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa mga may matataas na katungkulan, may matataas na ranggo at may matataas ang puwesto sa lipunan. Makakabahagi ka sa kanilang suwerte at magugulat ka dahil aangat ka rin tulad nila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-22-24-28-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Ipanatag mo ang iyong sarili ‘pag naramdaman mong paiba-iba ang takbo ng iyong kapalaran dahil ito ang senyales upang mas lalong sumagana ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-11-16-25-33.

CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ang pagkakataon upang magawa ang tinatawag na “biglang talon ng kapalaran” na kung saan ay bigla kang yayaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-28-29-32-36-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mababawasan ka ngayon at mapupunta ito sa mga kapus-palad, pero pupunan ka ng langit na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-27-31-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makakapag-isip ka ng magagandang ideya na kapag ipinamalita at hindi mo ito ginawa, ibang taong ang makikinabang nito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-13-22-27-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kailangan makuntento ka muna bago gumanda ang takbo ng iyong kapalaran. Ang payo ay piliin mo ang alam mong kapag ginamit mo ay makakaramdam ka ng kakaibang saya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-17-26-28-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tulungan mong umangat ang buhay ng taong malapit sa iyo, lalo na't kung sarili lang niya ang kanyang inaasahan, dahil walang naghihintay sa kanya na magandang kapalaran. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-22-24-39-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Oo, maganda ang mga sitwasyon ngayon pero alam mo rin bang sa pag-ikot ng kapalaran maaari kang mapunta sa ibaba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-13-18-20-31-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Unahin mo ang iyong kabuhayan kaysa sa anumang bagay. Huwag kang tumulong kung maaapektuhan mo ang iyong kinabukasan. Ito ang isaisip mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-19-20-22-24-28-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung hindi ka kikilos, tatalunin ka ng pagkabagot. Kahit hindi ka mamili, mamasyal ka sa mga malls. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-29-31-32-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Marami kang makukuha ng magagandang ideya sa mga taong angat ang buhay. Isabuhay mo ang magagandang balita na ibinahagi sa iyo upang umangat din ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-13-23-25-34-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page