top of page
Dennis, Claudia at Basti - Circulated.jpg

Horoscope | Hunyo 11, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 11, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 11, 2026 (Huwebes): Nasisiyahan ang manonood, pero ang tunay na kaligayahan ay nasa pakikipaglaban. Ituloy mo ang pakikipaglaban, dahil ipinapangako ng langit na ikaw ay tiyak na magwawagi.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang hamon ng iyong kapalaran. Sa ganitong paraan, tunay kang liligaya at susuwertehin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-22-24-31-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging huwaran ka sa tapang dahil may ilang mahahalagang tao sa iyong paligid na nangangailangan ng mapagkukunan ng lakas ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-19-21-27-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagsisisi at muling nagbabalik ang mga taong naligaw ng landas. Ito ang sasabihin mo kapag bumalik na sa buhay mo ang taong nawala sa iyo. Huwag kang maging emosyonal dahil lamang sa mga nagawa nila sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-23-29-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng inspirasyon sa taong kilala mong matagumpay sa larangang kanyang pinili. Hindi ka mabibigo at sa huli ay sasabihin mong kulang lang pala sa inspirasyon ang isang tao upang magtagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-27-30-35-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng tiwala sa sarili. Minsan, ang sobrang pagtitiwala sa sarili ay nauuwi sa pagsisisi at panghihinayang. Muli, bawasan mo ang iyong kumpiyansa sa sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-20-25-32-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pagkakataon upang masiguro mo ang katuparan ng iyong mga pangarap. Huwag mo itong palampasin, dahil bihira lamang dumating sa buhay ang ganitong mga pagkakataon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-22-28-36-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi naman kumukupas ang iyong galing at husay. Kaya lang, sa ngayon ay may kakulangan sa iyong pagkilos na nagsasabing tinatalo ka ng pagkabagot. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-21-29-37-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hugutin mo ang tapang at lakas ng loob na matagal mo nang hindi ginagamit. Ang payo ay ituon mo ito sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng iyong kabuhayan, hindi sa iba pang larangan ng buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-12-23-33-35.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Huwag mong maliitin ang taong hindi nakakuha ng kanyang ninanais. Ikaw rin naman ay nakaranas ng ganoong sitwasyon, ngunit dahil hindi ka sumuko, sa huli ay napasaiyo rin ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-17-26-31-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawan mo ng mabuti ang taong nakatulong sa iyo. Pasayahin mo siya kahit sa simpleng paraan lamang. Mahalaga sa isang tao ang marunong magpasalamat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-24-30-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpahinga ka. At kapag nakapagpahinga ka na, magugulat ka dahil ang mga magagandang kapalaran na matagal mo nang hinihintay ay isa-isa nang darating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-18-21-27-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mapagbiro ang kapalaran. Aakalain mong ikaw ay bigung-bigo, ngunit habang nararanasan mo ang kalungkutan, unti-unti namang papalapit ang katuparan ng iyong mga pangarap hanggang sa ito ay tuluyang magkatotoo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-22-37-31-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page