top of page

Horoscope | Hunyo 11, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 11, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 11, 2025 (Miyerkules): Taglay mo ang kakayahang payamanin ang mga gusto mong yumaman. Mas maganda na unahin mo muna ang iyong sarili bago ang iba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Humugot ka ng inspirasyon sa mga hamon ng kapalaran na iyo nang napagtagumpayan. Sa ganito, mapapabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto- 6-18-20-23-28-33.



TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ka, iyon mismo ang iyong ipakita. Huwag ka nang tumulad sa iba na pilit na ginagaya ang kapwa makuha lang ang gusto nila. Muli, kung ano ka, iyon ang iyong ipakita. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-22-27-29-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Talas ng isip ang iyong pairalin dahil ngayon ay nahaharap ka sa hamon ng kapalaran na kung saan, kapag mahina ang ulo mo, posible kang maaagrabyado. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-25-37-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - May babala na masyado mong uubusin ang mahahalagang oras mo sa pag-iisip ng malayo naman sa katotohanan. Iwasan mong talunin ka ng hinala, pangungulila, at panghihinayang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-26-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tutulungan ka ng isang hindi mo inaakalang makakatulong sa iyo. Kaya simula ngayon, isabuhay mo na ang payo na huwag agad husgahan ang iyong kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-20-27-31-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Habang abala ang iyong mga kamay, mag-isip ka pa ng mga mas magandang pagkakitaan. Sa ganito, hindi matatapos ang mga proyekto mong magpapaunlad sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-15-23-34-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang umasa sa iba kahit pa sa karelasyon mo. Mas maganda na sila ang umasa sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-22-25-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Oo, mahalaga ang kapakanan ng minamahal pero mas mahalaga na unahin ang sariling kapakanan, dahil paano makakatulong kung wala ka nang maitutulong? Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-18-21-29-32-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag hindi mabuti ang motibo, mapapahamak ang tao. Huwag kang makiisa sa mga taong alam mong may hindi magandang motibo upang hindi ka madamay sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-14-16-25-27-30.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi masama ang humingi ng tulong. Ang masama ay kapag hindi ka marunong magpasalamat at tumanaw ng utang na loob. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-17-22-28-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ikalungkot ang iyong kabiguan, dahil sa timbangan ng iyong kapalaran, makikita mong nakahihigit ang ganda ng buhay mo kesa sa pangit na karanasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-19-24-26-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadalawin ka ngayon ng suwerte. Huwag mo nang pahirapan pa ang isip mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-12-18-23-34-43.


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page