top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hunyo 10, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 10, 2023



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 10, 2023 (Sabado): Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte. Kumbaga, kahit hindi mo na ito hanapin at pangarapin ang mga suwerte ay ipagkakaloob sa iyo ng langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ang araw na ito ay itinakda para makalimutan mo ang maliliit at malalaki mong mga problema. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-28-20-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na kapag nilakasan mo ang iyong loob, magsisilabasan ang magagandang oportunidad na maaari mong makamit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-22-25-28-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Anumang sobra ay hindi maganda. Kaya ingatan ang iyong sarili dahil malaki ang tsansang maapektuhan ang iyong kalusugan. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-15-16-27-33.

CANCER (June 21-July 22) - Aaliwin ka ngayon ng iyong kapalaran. Masasayang sandali ang iyong mararanasan, ngunit ‘wag masyadong maglibang upang ang mga obligasyon ay ‘di mo malimutan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-27-30-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na kung ano ang iyong gusto tiyak na magagawa mo. Huwag mong abusuhin ang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-24-25-38-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Inaalis ng langit ang malalaking hadlang sa buhay mo. Nauna nang alisin ang iyong pagiging negatibo, dahil ang gusto ng nasa itaas, umunlad at umasenso ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-21-27-28-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sobra sa iyong mga daliri ang magagandang kapalaran na handang pumasok sa buhay mo. Wala kang dapat gawin kundi ang magtiwala sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-29-303-2-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumikit ka sa mga masayahin, maaari mo rin siya mahalin, at mas makikinabang ka pa sa mabubuo niyong relasyon dahil magkakaroon ka ng inspirasyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto- 25-26-31-37-38-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Piliin mo ang naaayon sa iyong mga plano. Huwag pasukin ang malayo sa mga nauna mong plano. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-18-19-25-26-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - May babala na kapag natuwa ka, mababawasan ang kaban ng iyong yaman. Isipin mo na ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-24-28-35-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo magagawa ang paulit-ulit mong sinasabi na kakalimutan mo na ang lahat ng naranasan mong kabiguan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-16-28-30-36-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kaya ka lang naman nakakaramdam na ‘di umuusad ang iyong kapalaran ay dahil ayaw mong baguhin ang mga puwede mong baguhin. Maghanap ng bagong pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-22-24-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page