top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

Horoscope | Hunyo 1, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 1, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 1, 2026 (Lunes): Hindi ka mauubusan ng suwerte kahit pa hindi mo ito lubos na pinahahalagahan. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bumaba ka ngayon. Tandaan mo, ang nasa ibaba ay itinataas ng langit. Bibigyan ng suwerte ang mga marunong magpakumbaba. Kaya muli, bumaba at huwag kang manatili sa itaas. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-15-20-26-34-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong kaisipang pumapasok at lumalabas sa iyong isipan. Isipin mong panakot lamang ang mga ito sa tanimang masagana ang ani. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-18-21-24-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Magmadali ka upang mas marami kang matanggap na biyaya. Maaari ka ring kumilos nang marahan, ngunit kakaunti lamang ang mapapasaiyo, at sa huli ay manghihinayang ka na naman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-14-23-33-40.


CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat ka! May lalapit sa iyo na mapagkunwari at may tagong motibo. Huwag mong kalilimutan na ang mga taong puro magagandang salita ang sinasabi ay kadalasang may nais na mapala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-22-31-37-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magplano nang mabuti. Hindi angkop ngayon ang sobrang tapang o labis na pagtitiwala sa sarili. Ang taong marunong magplano ay may malaking tsansang makuha ang kanyang mga ninanais. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-6-11-17-28-30-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilalapit sa iyo ang mga suwerte. Kaya huwag kang mag-alinlangan dahil walang magandang mangyayari kung palagi kang nagdadalawang-isip. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-25-39-41-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Susubukin ka ngayon ng iyong kapalaran. Kapag iniwasan mo ang alam mong hindi magandang pasukin, ang magiging gantimpala sa iyo ay malalaking biyaya at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-20-26-34-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi pa umaalis ang mga suwerteng nakalaan para sa iyo. Naghihintay lamang ang mga ito na tumigil ka sa pag-aaksaya ng panahon sa mga walang kabuluhang gawain. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-21-27-31-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli, kahit mag-isa ka lang, kaya mong magtagumpay sa buhay. Ngunit kung nais mo ng kaagapay, ngayon ang pagkakataon upang mamili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-23-29-36-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Darating na ang masasayang araw sa iyong buhay, kung saan hindi mo mabibilang ang dami ng suwerteng mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-18-24-27-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit tila hinahanap mo pa ang taong magbibigay sa iyo ng kalungkutan? Ang hanapin mo ay ang magbibigay sa iyo ng kaligayahan at masarap na buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-10-19-28-32-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi maaari na lagi kang walang ginagawa. Kailangang kumilos ang iyong katawan. Mas mabuti ang “tayo-upo, lakad at pabalik-balik,”  upang lalo kang suwertehin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-7-11-20-31-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page