Horoscope | Hunyo 1, 2025 (Linggo)
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 1, 2025

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 1, 2025 (Linggo): Negosyo ang magpapayaman sa iyo, kaya magnegosyo ka na! Sasayangin mo lang ang iyong oras sa mga aktibidad na ‘di naman bagay para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis na pagpapasya ang sikapin mong magawa. Kapag ang tao ay mabagal at walang ganang gumalaw, ang mga karamdaman ay madaling kakapit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-27-33-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Layuan mo silang nagpapakita ng kanilang tapang, dahil ngayon ay nalalapit sila sa panganib ng pagkakaroon ng karamdaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-21-27-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Patuloy kang susundan ng suwerte kahit na nasa bahay ka lang. Kaya ‘wag ka munang umalis, dahil ang mga suwerte may kani-kanyang misyon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-8-17-26-35-39.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Ang problemang darating sa iyo ngayon ay ‘di kayang solusyunan ng magandang ideya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-16-25-32-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang magaan na trabaho, ‘yun ang iyong gawin. Kung magpapakapagod ka, maaari kang magkasakit. Aanhin mo ang tagumpay, kung may sakit ka naman? Masuwerteng kulay-green.Tips sa lotto-1-4-13-19-28-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag maiksi ang kumot, matuto kang mamaluktot. Ito ang isabuhay mo habang ‘di pa pumapabor sa iyo ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-19-23-28-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang makakaalala sa iyo, siya ang tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-21-24-27-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tulungan mo ang mga taong nangangailangan. Mas magandang tumulong kesa ikaw ang tulungan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-9-13-18-24-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag sama-sama, mas malakas at matibay. Gumawa ka ng grupo na kung saan magtutulung-tulungan kayo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-15-18-21-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang makikipagtalo, dahil nasa namamahala pa rin kung ano ang kanilang ipapatupad na desisyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-19-25-28-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon ang tamang panahon para mag-diet. Lahat ay magugulat at hahanga sa oras na matapos mo ang iyong pagda-diet. At wala silang ibang sasabihin sa’yo kundi, “Wow! Ang laki ng pinagbago mo.” Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-4-13-22-31-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sarili mo ngayon ang iyong kalaban, pero ngayon ka mas mahihirapang manalo. Mas maigi pang ibang tao ang iyong makalaban dahil panigurado kayang-kaya mo silang talunin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-20-29-34-43.
Comments